Chapter Twelve

1.3K 38 0
                                    

Chapter Twelve

Bored na bored ako ngayon dahil wala na namang pasok. Gusto ko sanang mag-punta ng mall mag-isa pero tinatamad naman ako mag-commute. At saka hindi naman ako papayagan ni dad umalis unless may kasama ako. I got no choice but to just stay here and let boredom eat me.

"Will you stop that? Nahihilo na ako sayo." Iritadong sambit ni thymus.

Kanina pa kase ako palakad-lakad. Eh sa anong magagawa ko? Bored na bored ako. Tinatamad din akong magbasa. At wala akong alam gawin. Hay buhay. Mayamaya nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko agad 'yon at sinagot.

"Hello?" I greeted.

Hindi nag-salita ang nasa kabilang linya. Ano 'to? Prank call? Okay sige, pagbigyan. Tutal bored din ako.

"Hey, what's up?" Sabi ko ulit.

"Louis....."

Suddenly my heart stopped beating. Wala akong ibang marinig kundi ang mahaba at malalalim na buntong-hininga ng nasa kabilang linya.

"W–who's this?" Kahit alam ko na kung sino ang tumawag, tinanong ko pa rin ang pangalan niya. Paano ko makakalimutan ang boses na iyon? Kahit ilang taon pa ata ang lumipas ay matatandaan ko pa rin ang boses niya.

"A–ang mama mo t–to."

Sabi ko na eh. Tama ako.

"What do you want?" I firmly asked. Pinigilan kong manginig ang boses ko dahil baka akalain niya na naapektuhan  ako sa kauna-unahang beses na pagtawag niya.

"K–kumusta ka na a–anak?"

Kung ako napapatatag ko ang boses ko. Siya hindi. Her voice was shaking. Nanginginig ba kaya siya sa tuwa dahil kausap niya ako o nanginginig siya dahil napilitan lang siya na kausapin ako?

"Ayos lang."

"G–galit ka ba sa akin anak?"

Wow. That was the stupid question I've ever heard.

"Ako? Hindi ma. Bakit naman ako magagalit diba? Eh iniwan niyo lang naman ako ng labingtatlong t–taon."

Gosh. Ba't ba ako umiiyak? She doesn't deserve  my tears!

"Im so sorry. Anak, kaya ko lang–"

"Whatever. Wag ka ng mag-abalang mag-explain because I won't buy it." I said and cut the call.

Nanghihinang napa-upo ako sa kama.  Ilang minuto ko lang siyang naka-usap pero na-drain agad ako. 

"Punasan mo nga 'yang luha mo. I didn't know that you are a cry baby." Thymus said and I gave him a glare.

Damn, ang lakas ng loob niyang tumawag pagkatapos niyang mawala ng parang bula. Tapos tatanungin niya ako kung galit ba ako. Is she effing serious when she asked me that? Tsk. I bet she's not.

"Wanna talk about it?"

Biglang huminto ang walang humpay na pag-agos ng luha ko nang sinabi iyon ni thymus. Really? Sigurado kaya siyang papakinggan niya ang mga hinanakit ko? Kasi pakiramdam ko, kapag wala akong napag-sabihan nito. Sasabog na ang puso ko sa sakit.

"S–sigurado ka ba?" Tanong ko. Knowing thymus, he is very playful. I don't even know if he's capable of being serious. Uh, yes. Kaya niya nga pala. Pero sandali lang pagseryoso siya. Pero pagkatapos non, sira-ulo na siya ulit.

"Try me."

Kumabog ang puso ko nang matitigan ang mata niya. Then suddenly, I found myself giving in. Sinabi ko sakanya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. At maging ang kuwento ng buhay ko.

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now