Chapter Twenty

1.2K 41 0
                                    

Chapter Twenty

"Baliw ka talaga thymus. Ba't mo ginawa 'yon?"

Ngumisi lang ang loko.

"Bagay lang sakanya 'yon. Ang dami daming pwedeng upuan eh sa pwesto niyo pa siya uupo."

"Of course. He's a transferee. Kami pa lang ni Dane ang kakilala niya kaya siguro ganon." Paliwanag ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay naglakad siya sa harap ng bintana, he was about to go but I called him.

"Aalis ka?"

"Yeah."

"D–di ka dito matutulog?

He shrugged. "Why would I?"

"Dito ka naman natutulog noon diba?"

Ang nakasimangot niyang mukha ay napalitan uli ng nakakalokong ngisi.

"Yes. Noon. Because I dont mind sleeping with you then. But now? Hindi ko alam kung anong mangyayari 'pag natulog tayong magkatabi."

"Y–you pervert!" Singhal ko at pinagpapalo siya though it's useless.

"What now? Do you still want me to sleep with you?"

"Layas! Ang manyak mo talagang multo ka!"



Hangang ngayon hindi ko pa rin binabanggit kay Dane ang relasyon namin ni Thymus. Saka na siguro 'pag maayos na ang lahat I mean, 'pag 'normal' na ang lahat.

"Beshy, blooming ka ata this past few days." komento ni Dane habang nakaharap sa akin ng nakahalukipkip.

"Praning ka lang."

"Asus. 'yan ka na naman eh. By the way, kumusta na si thymus?" She wiggled her eyebrows.

"Ah.... He's fine. Bumabalik balik na siya sa amin ulit."

"Really? Introduce me to him beshy! Kapag may time na ako pupunta ako sa inyo."

Oo nga pala. Sobrang busy netong si Dane ngayon.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo ha? You've been very busy."

She sighed and showed me a sad face. Wow. Ano kayang problema nito?Minsan lang 'to malungkot eh. Because if I'm a bubbly person, she's bubblier.

"Inaayos kase 'yung papeles ko. Gusto kase ni kuya Ivan mag-college ako sa New York."

Oh. She's migrating....

"Oh. Bakit ang aga ata? Grade 11 pa lang tayo ah."

"Yeah. Tatapusin ko lang daw 'tong grade 11 tapos dun na raw ako mag gre-grade 12 'till college."

Ngayon, ako naman ang nalungkot. Best friend ko 'tong si Dane since birth. And she's my one and only friend. Pano na kaya ang buhay ko 'pag 'di ko na kasama ang lukaret na 'to?

"Beshy, are you mad? Sorry talaga. Ayaw magpapigil ni kuya eh. Even mom and dad agreed to him."

"Sira ka ba. Bat naman ako magagalit? I should support you right? Besides, okay lang naman. Five years lang. Keri yan." Sabi ko habang nagpipigil ng luha. Gosh, ang drama namin.

"Kaya love na love kita eh." Sabi niya habang natatawa pero obvious naman na gusto na niyang maiyak.

Mabuti na lang pala kaunti lang ang tao dito ngayon sa library.

"Ako lang dapat ang one and only beshy mo." I joked and she smiled.

"Of course. By the way, bantayan mo si Dustin ah? I'll marry him after five years."

Grabe 'to. Di pa nga nagka-college kasal agad? Binatukan ko nga.

"Ouch!"

"Hindi ka pa nga college, kasal agad?"

"After five years nga diba? Makabatok wagas ah." Inis na sabi niya kaya natawa na lang ako.

"Uy. Since Saturday bukas, puntahan na natin 'yung ospital."

Kumunot ang noo ko. "Anong ospital?"

"Kung saan naka-confine si thymus!"

"Ha? Anong gagawin natin 'don? Saka baka nandun parents niya."

Ngumisi siya bago sumagot.
"Basta, akong bahala sayo beshy."

Secretly In A Relationship With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon