Chapter Five

1.4K 52 0
                                    

Chapter Five

"Ah, Louis. Puwede bang paki-sauli itong book sa library? May emergency kase sa bahay so I need to go home early." Utos sa akin ni ma'am Jenielyn.

"Sure po."

I took the book and started to put my things inside my bag. Hindi pumasok ngayon si Dane dahil may emergency din sa bahay ng Lola niya.

Lumabas na ako ng classroom at tinungo ang library. Library? Ay shit! Bakit ngayon ko lang naalala? Jusko Lord. Sana may tao pa doon. it's already five pm. Sa classroom ko na kasi ginawa yung mga assignments ko para chill chill na lang ako pag-uwi.

I prayed to God na sana may tao pa but when I reached the library, alam ko na hindi ako pinagbigyan ni Lordie dahil walang katao-tao even the librarian is nowhere to be found.

Damn, pano ko isasauli itong book? Hindi naman pwedeng ipatong ko lang 'to dito dahil baka mawala at si ma'am Jen pa ang sisihin ng librarian medyo terror pa naman yung matandang dalagang librarian na yon! Ugh. I need to wait for the librarian to come pa tuloy.

Kung nasa bahay lang si Dad, i swear he'll gonna kill me dahil mag fa-five thirty na at di pa ako umuuwi. Dumidilim na rin sa labas at Wala pa ang librarian. Hindi naman pwedeng umuwi na iyon dahil six pm pa ang out nito. Hala, baka maaga itong umuwi? Nah. Why would she leave this lib unlock? So it's a no. Siguro may ginawa lang 'yon sa labas at natagalan.

Naghintay pa ako ng ilang minuto nang makarinig ako ng mga kaluskos at nakakairita ang tunog niyon. Parang may kinakayod gamit ang kuko. Gosh, I suddenly got scared.

Naglakad ako upang hanapin kung saan nanggagaling yung mga tunog at nahinto ako sa tapat ng opisina ng librarian. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang asong kinakalmot ang pader. 

Hay, akala ko pa naman ano na. Aso lang pala 'to nung librarian! Isasara ko na sana ang pinto nang maramdaman ko ang malamig na hampas ng hangin sa likuran ko. Grabe I'm having a goosebumps na tuloy! Tuluyan ko ng isinara ang pinto at ganoon na lamang  ang kabog ng aking dibdib nang humarap ako. Holy Mary mother of God! Am I dreaming?!

"T–thymus?" I whispered.

"Do I know you?"

Itinaas ko ang nanlalambot kong kamay at hinaplos ang pisngi niya pero tumagos lang iyon.

My jaw dropped.

"M–multo ka na?"

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now