Chapter Eleven

1.4K 43 0
                                    

Chapter Eleven

Kahit halos araw-araw man akong buwisitin ni thymus, that didn't stop me from getting more and more curious to him. Oo, halos isumpa ko siya 'yon kase ay dahil sa galing niyang mambad-trip. Pero nabawasan ng konti ang inis ko sakanya simula noong sabihin niya sa akin ang dahilan kung bakit sa akin siya namemeste, 'yon ay dahil palaging nasa hospital ang mga magulang niya at hindi nga siya makapunta roon kaya wala siyang pagkakataong makita ang parents niya.

"Hoy, Hae Louis Alberona!" Dane snapped her fingers.

"Ano?"

"You're spacing out. Earth to ha? Tao ka."

I rolled my eyes at her. "Whatever, Dane Martinez."

"Ano bang problema?" She asked while munching her burger.

I was about to answer when I saw our classmate Lolita walking alone. Maybe I should ask her about the things that making me confuse about thymus.

"Dane. Una ka na sa classroom kapag natapos ka diyan ha? May pupuntahan lang ako." Sabi ko at tumakbo sa direksiyon ni Lolita.

According to my classmates, Lolita is a nerd. Nerd na mahilig sa mga misteryosong bagay katulad ng mga supernatural eklavu. Basta yung about sa out of this world topics. Siguro may alam naman siya tungkol sa mga souls and ghosts thingy.

She stopped and faced me. "Bakit mo ako sinusundan?"

I stared at her and realized that she's not the typical geeky nerd. Yung bang may malaking salamin, braces at weird outfits. Ang ganda kase ng taste niya sa fashion though wala akong masydong alam 'don dahil I'm not into super girly things. Tinawag lang siguro siyang nerd dahil palagi siyang may hawak na books.

"Can I ask you about ghosts?" Diretsong tanong ko.

"What about that?"

Huminto muna kami sa paglalakad at umupo sa madamong bahagi ng soccer field.

"Totoo bang pwedeng puntahan ng mga multo or kaluluwa ang lugar na gusto nila?" Tanong ko.

"Yes. They can go wherever they want."

Nagulat ako sa sagot niya. Paano si thymus? Bakit excluded siya sa mga kaluluwang malayang puntahan ang lugar na gusto nila?

"Posible bang may kaluluwang hindi mapuntahan ang lugar na gusto niyang puntahan?"

Lolita's brows furrowed. "Hindi. Walang ganon."

What? Why? Where? When? Joke. Seriously, naguguluhan na ako! Bakit iba si thymus?

"Paano naman yung mga kaluluwang hindi pa patay? I mean hindi pa patay ang katawang lupa nila? Makakabalik pa ba sila sa katawan nila?" Tanong ko ulit.

"Oo naman. Kailangan lang nilang puntahan ang katawan nila and thats it."

Paano gagawin ni thymus 'yon eh hindi nga raw niya mapuntahan yung ospital kung saan siya nakaratay?

"Kung wala ka ng tanong. I'll get going" sabi nito at tumayo.

"Salamat." Sabi ko na lang kahit marami pa sana akong tanong. Dahil mukhang nagmamadali siya.

Mas lalo akong naguluhan! Baki si thymus lang ang naiiba? Bakit hindi niya mapuntahan yung ospital?imposible naman kase yung kanya gaya nga ng sinabi ni Lolita walang multong  ganon. Hindi kaya ayaw niya lang bumalik sa katawan niya? Eh bakit naman? May pag-asa pa naman siyang makabalik eh! Ugh. Ang daming bakit!

Pagkarating ko sa classroom ay walang teacher kaya umupo agad ako sa pwesto ko.

"Saan ka galing?" Tanong ni Dane.

"Diyan lang."

"Wala nga pala si Ma'am Ochoa. Isang oras tayong mag-chichill." Sabi niya at ngumiti ng malaki.

Asus. Ang tamad talaga nito. Pinatong ko na lang ang ulo ko sa mesa at hinayaang itulog ang mga bumabagabag sa utak ko.

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now