Chapter Twenty-Four

1.2K 41 0
                                    

Chapter Twenty-Four

Oh God. May kinalaman pala ang pagsu-suicide ni thymus kung bakit hindi siya makapunta sa ospital—the place where his body lies. Ugh. Mas lalong lumalala ang sitwasyon.

"Hae Louis. Your mom called me."

Natigilan ako sa sa sinabi ni Dad. Binitawan ko ang hawak na kutsara at tumuwid ng upo. Nasulyapan ko si tita na tahimik lang na kumakain.

"Bakit ka po niya tinawagan?"

Matagal din siyang hindi nagparamdam simula nung huling beses na tinawagan niya ako.

"Gusto ka niyang kunin."

"What?"

After what happened ganon ganon na lang?

"But of course, 'di ako pumayag."

Tiningnan ko si dad pero kalmado lang siya habang kumakain.

"Though, wala naman akong karapatan na ipagdamot ka sa kanya, still, ayoko pa ring ibigay ka sa kanya."

Mabuti naman pala kung ganon. Hindi pa talaga ako handang patawarin siya.

"So, I gave her an option."

"Ano 'yon?" I curiously asked.

"You'll spend time with her. Hindi ko alam kung kailan at saan niya gusto."

Ugh. Bakit ba napaka komplikado ng buhay ko?

"But da–"

"No buts. I know you're still mad at her. Pero, 'wag mo ring kalimutan na nanay mo pa rin siya."

Napabuntong hininga na lang ako at bahagyang napatango.



"A penny for your thoughts."

Napapitlag ako ng mag-salita si thymus. Kanina pa pala naglalakbay ang utak ko.

"May problema ba?" Nagaalalang tanong niya.

"Wala..." Sagot ko at ibinaling na lang ang atensyon sa mga batang naglalaro dito sa park.

Sana bumalik na lang ako sa pagkabata. Para pagpili lang ng laruan ang iisipin ko, candy lang ang iniiyakan ko. At higit sa lahat, sa paglalaro lang ako napapagod. Ang hirap pala habang lumilipas ang panahon, gumugulo ang sitwasyon.

"Wala pero kanina ka pa tahimik diyan." Nakakunot noong sambit niya.

Tiningnan ko siya gamit ang seryosong mukha.
"Alam ko na kung bakit hindi ka makaapak sa ospital."

Bigla siyang natahimik kaya nagpatuloy ako.

"Yon ay dahil sa ginawa mo. Kung hindi ka lang nagsuicide, matagal ka ng nakabalik sa katawan mo."

He heaved a deep sigh and faced me.

"Alam mo bang nagsinungaling ako nung sinabi kong hindi ako nagsisisi sa ginawa ko?"

Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siyang mag-salita.

"Oo nung una, hindi. Ayos lang sakin. Pero nung nakilala na kita, napatanong ako sa sarili kung bakit ko nga ba nagawa 'yon. God, Hae Louis. Sisingsisi na ako. Ang tanga tanga ko pala."

Napangiti ako ng malungkot sa sinabi niya. The damage has been done, wala na tayong magagawa but to face the consequences. Pero hindi ko naman siya sinisisi kung bakit niya nagawa 'yon. Tao lang din siya, nagkakamali.

"Hindi ko alam kung may solusyon ba sa problema kong 'to. But I want you to stay with me. Selfish na kung selfish, ganito talaga ako eh. Lalo na pag nagmamahal. Gagawan ko naman 'to ng paraan, just please Hae Louis. Stay with me no matter what."

Hindi ako tumango pero ngitian ko na lang siya. Baka kasi 'pag nangako ako, hindi ko matupad. Gagawan ko rin naman 'to ng paraan eh. Hindi sa paraang gusto niya. Kundi sa sarili kong paraan.

Secretly In A Relationship With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon