Chapter Twenty-Three

1.2K 43 0
                                    

Chapter Twenty-three

"Good morning, baby..."

Ang guwapong mukha ni thymus ang nabungaran ko pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata. Shit, baka may muta pa ako! Grabe, ngayon pa talaga ako naconscious samantalang noon, wala akong pake kahit anong itsura ko paggising.

"Bakit ang aga mo?" I asked him while combing my hair using my fingers.

"Wala lang... Are you still mad?" Nagaalala niyang tanong.

Umiling ako. Matapos niyang bumanat kagabi, sa tingin niya magagalit pa ako? Geez. Tao lang ako. Marupok. Gusto ko ngang maglupasay sa kilig kaya lang 'wag na. Baka isipin niya patay na patay ako sa kanya.

"Thank God. Ang hirap pala 'pag galit ka. Di ka namamansin." He said and I laughed.

"Oo. Kaya 'wag mo akong ginagalit."

Ngumiti lang siya at pinisil ang ilong ko. Ugh. I can't feel him!

"Anyway, uuwi muna ako sa bahay. Medyo nakapagisip-isip ako sa sinabi mo. You're right. Naging makasarili ako. Maybe I should check my parents and brother."

I smiled because of what he said. Mabuti naman at natauhan na rin siya.

"Pero diba madalas sila sa ospital? Paano 'yon? Di ka pa rin ba nakakaapak don?" Tanong ko.

"Hindi talaga. And I really don't know why."


"Aww. So umalis na pala si Dane?" Ani Dustin habang naglalakad kami papuntang library. Sinabi ko na kasi sa kanya na umalis na si Dane ng bansa.

"Yeah. And I'll surely miss that girl."

"Wala ka bang ibang kaibigan dito?" He asked.

Nagkibit balikat ako "Wala na eh. Except Dane, wala na talaga."

"Ah. Mabuti na lang pala, nandito ako." Sabi niya kaya hinampas ko siya sa dibdib.

"Sira ka talaga. Alam mo ba 'yung sinabi sa akin ni Dane bago siya umalis? She reminded me that I should watch over you kase ikaw daw ang pakakasalan niya pag-uwi."

Napahinto siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako.

"Really? She told you that?" He surprisingly asked.

"Yeah. Kaya umayos ka." Biro ko

"Shit. Hae Louis. So...does that mean she likes me?"

"Oo nga! Hindi ba halata sa tuwing nagpapabebe siya sayo?"

Natawa naman siya. " I thought... Damn."

Hinarap ko siya ng naka ngisi. "Don't tell me...."

"Yes. I like her too. Ikaw lang ang kinausap ko ng matino kase nahihiya ako sakanya."

Napangiti naman ako. "Wow. So kung sakali, sulit pala 'yung five years because the feelings are mutual."

"Yeah."

Maglalakad na sana kami ulit para tumuloy sa library nang may tumawag sa pangalan ko.

"Oh, Lolita."

Himala at ako ngayon ang nilapitan nito? Dont tell me, siya na naman ang magtatanong about ghosts eklavu. Joke.

"Puwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya at bumaling kay Dustin. "Yung tayong dalawa lang."

Tiningnan ko si Dustin at tumango naman ito.

"Alright. I'll just wait you there." He said and started to walk.

Naglakad kami ni Lolita at nang may nahanap na mauupuan ay doon na kami naupo.

"Anong paguusapan natin?" Tanong ko.

"Tungkol don sa tinanong mo sa akin noon."

"What about that?"

"Diba tinanong mo ako kung puwede pa bang makabalik sa katawang lupa niya 'yung kaluluwa?"

Tumango ako.

"Yes ang sagot ko which is yes talaga. But there's an exception."

"Exception? What do you mean?"

"I forgot to tell you na kapag ang kaluluwa or multong 'yon ay suicide ang sanhi ng pagaagaw buhay, hindi siya makakapunta sa katawan niya para makabalik. because you know, isang malaking kasalanan ang pagpapatiwakal." Seryosong saad nito.

"Anong mangyayari sa kanya kapag hindi siya nakabalik sa katawan niya?"

"Hindi ko alam."

Oh God. Mas lalong gumulo ang sitwasyon.

"May solusyon ba para makabalik siya?" Nanlulumo kong tanong.

"Meron. Pero hindi ko alam kung ano at paano."

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now