Chapter Eight

1.4K 50 0
                                    

Chapter Eight

"Dad!"

Inabangan ko sina daddy sa gate para naman 'di niya masabing nag-enjoy ako sa dalawang linggong pagkawala niya. Joke.

"Louis, ang aga pa ah. How come you're already awake?" Tanong ni tita. Well, maybe she's wondering because I usually woke up late during weekends.

"Gusto ko lang pong abangan kayo dito sa gate." I said and smiled at them.

" Asus. " narinig kong bulong ni dad. Tita chuckled and then we went inside the house.

"Beng, nakapagluto ka ba ng breakfast?" Tanong ni dad sa katulong pagkapasok namin

"Ay opo ser. Heto at kaluluto ko lang."

"That's good then. Louis, sumabay ka na sa amin kumain."

Tumango at umupo na para makakain.

"By the way, beng. Mayroon bang ginawang hindi maganda itong si Hae Louis habang wala ako?" Biglang tanong ni Dad.

"Ano ka ba, Ernesto. Mamaya na 'yan. Let's finish our breakfast first." Saway sakanya ni tita.

Huminto saglit si 'nay beng sa pagsasalin ng tubig sa baso ko bago sumagot.

"Naku, wala naman po ser. Umuuwi naman siya sa tamang oras."

Of course that was a lie. 'Nay beng knew that I once went home late. Hindi niya lang sinabi kay dad ang totoo dahil alam niyang pagagalitan agad ako ni dad. In fact, 'nay beng and I are close. She's like a grandma to me.

"That's good to hear. Anyway, Louis, tawagan mo nga si Dane at ipaaabot ko iyong mga gulay na hinarvest d'un sa plantation natin. Mahilig sa gulay yuong kumpare kong si Rene."

"Sure dad."

"O kaya I'll just ask our driver to deliver the vegetables baka may ginagawa 'yung bata."

"No dad. I'll just call Dane na lang. She won't mind coming here because we haven't seen each other last week." Sabi ko dahil namiss ko ng very very light ang bruhang 'yon.

"Okay."

After we ate ay umakyat na ako sa kuwarto ko para tawagan si Dane.

"Oh my God! What happened here!?" Di ko napigilang mapasigaw sa nakita ko. Magulo ang bookshelf ko at ang ilan sa mga libro ay nalaglag na sa sahig.

"Anong ginawa mo?!" Inis na tanong ko kay thymus.

"Naghahanap ako ng librong babasahin but I got disappointed. Puro romance ang mga nakita ko. How disgusting"

Tinaasan ko siya ng kilay. Grabe siya ha. Disgusting talaga? Eh anong type niyang libro? Action? Porn? Baka nga. Mas disgusting naman 'yon no!

"Eh bakit kailangan guluhin mo ng bongga!?" Sa sobrang inis ko sakanya ay dinampot ko yung isang librong nasa harapan ko at hinagis 'yon sakanya. Kaya lang tumagos lang 'yon. Buwisit!

"Ganito ka siguro sa bahay nyo no? Makalat! Tapos sasabihan mo ng disgusting ang mga libro ko? Mas disgusting kang letche ka!"

"Ang ingay mo. You're annoying the hell out of me." he said and frowned.

"Abat! Ako pa ang annoying?"

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa non si 'nay beng.

"Sino bang kaaway mo diyan at sigaw ka ng sigaw?" Niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto at pumasok.

"Oh, bakit ang gulo gulo na naman ng mga libro mo? Kaaayos ko lang mg mga 'to ah. Ikaw talagang bata ka!" Lumapit si 'nay beng sa pwesto ko at pinulot ang mga nagkalat na libro.

"Sorry 'nay beng. A-ah, pinapagalitan ko kase yung sarili ko kase natalisod ako ayan tuloy nasagi ko 'yang lagayan ng mga libro." Litanya ko. At saka ko sinamaan ng tingin si thymus na bahagyang nakaawang ang bibig.

"Naku, mag-ingat ka kase, akala ko tuloy sinong kaaway mo."

I glared at thymus but he showed me an evil smirk. Gosh, parang iba 'yang ngisi niya ah. Parang may binabalak.

Nang matapos na sa pag-aayos si 'nay beng ay tumayo na siya at pinagpagan ang sarili niya at saka naglakad palabas .Kaya tumayo na rin ako at akmang maglalakad nang takirin ako ni thymus. Ugh. Muntik ko na namang masagi yung mga libro! Hahampasin ko sana siya nang bigla siyang tumakbo.

"Bumalik ka ditong buwisit ka!" Sigaw ko at nahinto si 'nay beng sa paglalakad.

"Ako ba ang kausap mo, Louis?" Takang tanong niya.

"H-ha? N-naku! Hindi po. May nakita kase akong daga, hahampasin ko na sana kaya lang nakatakbo ng mabilis." Sagot ko at umarteng may hinahanap na daga.

"Ganoon ba? Nako. Sana mapatay mo nga dahil perwisyo ang mga dagang 'yan." Sabi niya at lumabas na ng kuwarto ko.

Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi ni nanay beng. Tama siya dahil perwisyo nga ang dagang hinunuli ko.

Hinarap ko si thymus at nakasimangot ang loko.

"Oh ano ka ngayon? Daga pala eh." I said and grinned.

------------
A/N: Thanks to JJIMINSOLE'S ARTWORK for my book cover 😘

Secretly In A Relationship With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon