Chapter One

4.1K 125 27
                                    

"ANG sabi noon ng lolo ko, dating ospital ang kinatatayuan ngayon ng North Hill Academy. Nasunog noong World War 2. Sinunog daw ng mga sundalong Hapon nang matuklasan nilang maraming sundalong Amerikano ang kinukupkop doon. Maraming mga pasyente at nurse ang hindi na nagawang makatakas ang nasunog ng buhay."

Nangingibabaw ang boses ni Joshua Gonzaga sa katahimikan sa buong sala sa bahay nina Vanessa Montalban, who threw a house party since her parents were in Tagaytay for business convention. Invited ang ilan sa mga classmate at schoolmate nila sa North Hill Academy. Pero maagang nagwakas ang party nang mag-blackout sa buong village.

Ang tanging naiwan ay ang anim na magkakabarkada sa highschool.

Nagsindi ng kandila sa ibabaw ng mesita si Joshua. Ito ang kuwentista sa grupo. Frustrated writer kasi. Sucker for horror stories. Hindi ito nauubusan ng mga kuwentong katatakutan. It was a perfect night to terrorize everyone with scary ghost stories. 

"Hindi makalilimutan ni lolo ang gabing 'yon," patuloy ni Joshua. "Nakulong ang marami sa loob ng nasusunog na ospital. Nakapanghihilakbot daw ang sabay-sabay na paghiyaw ng tulong mula sa mga nasusunog. Mga palahaw ng saklolo. Kahit ngayong matanda na si lolo ay nangingilabot pa rin daw siya kapag naaalala niya ang gabing iyon."

Napahigpit ang yakap ni Julia Ronquillo sa throw pillow sa dibdib nito. Hindi nito alam kung imahinasyon lamang ba nito o ano ngunit tila bigla na lang ay naging malamig ang gabi. Noon lamang nito nalaman na may ganoong kuwento sa NHA. New student kasi ito.

Tahimik ang lahat na nakikinig kay Joshua. Ang mga anino ng mga ito'y tila nagsasayaw sa mga dingding dahil sa paggalaw ng apoy sa nag-iisang kandila roon. Si Vanessa na nakahiga sa mahabang sofa at nakaunan sa binti ng boyfriend nitong si Billy Fajardo ay nagsisimula nang gapangan ng takot. Effective na kuwentista si Joshua.

Ngunit sadyang binitin muna nito ang kuwento. Isa-isa nitong tinapunan ng tingin ang lahat. Naglalaro sa mga mata nito ang liwanag mula sa kandila.

"Natatandaan ni'yo ba si Mang Nestor?" pagpapatuloy nito.

"Sino si Mang Nestor?" tanong ni Julia.

"Dating sekyu sa campus," si Jessica Mallari ang sumagot—ang girlfriend ng kuwentista. Naka-squat ito sa carpet sa sahig habang ngumangata ng potato chips.

Umayos ng pagkakaupo sa single sofa si Joshua at nag-lean forward na animo'y may lihim na ibabahagi sa lahat.

"Sabi ni Mang Nestor ay madalas na nakakakita siya ng multo ng mga sundalong Amerikano tuwing gabi sa campus," panimula nito.  "At minsan isang gabi, pasado alas onse, habang nagra-round si Mang Nestor ay may namataan siyang tao sa third floor—sa mismong tapat ng faculty room. Mabilis na pinuntahan ni Mang Nestor ang nakita niya. Naisip niya baka magnanakaw ito. Pero wala siyang naabutang sinoman doon."

There was a long stretched of silence. Maging si Jessica ay tikom ang bibig.

Rinig ang mahabang paghinga na pinakawalan ni Julia. Nagsisimula nang gumapang ang takot sa buong katawan nito. Pakiramdam ba nito'y naroon ito mismo noong gabing iyon sa campus at nakikita nito ang pangyayari.

Si Vanessa naman ay napahimas sa mga braso at umangat ng higa sa dibdib ni Billy.

Josh was really a good storyteller. 

Nagpatuloy ito. "Nagtataka talaga si Mang Nestor kasi meron talaga siyang nakita. Tapos bigla na lang may kumalabit sa kanya sa likuran." Bumaba ang tingin nito sa audience nito. Ang sumunod na sinabi nito'y pabulong ngunit malinaw iyong naririnig ng lahat, "Bumungad kay Mang Nestor ang isang babaeng nurse. 'Saan po ang ward 312?' tanong ng nurse sa kanya—"

Chain LetterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ