Chapter Nineteen

537 31 0
                                    


I LIKED him the first time I saw him. Siya na yata ang pinakaguwapong guy sa campus. Napakahirap na hindi siya tingnan kahit anong iwas ko sa tuwing makasasalubong ko siya sa hallway.

Thursday

I've started stalking him. I've became his instant fangirl. Nalaman ko ang pangalan niya nang marinig kong pinagkukuwentuhan siya ng mga girl sa CR. Marami pala akong kaagaw sa kanya. 

:(

Friday

I've searched his Facebook account.

Too bad naka-private 'yon.

I-add ko kaya siya?

*as if!*

Monday

I hate this fucking campus.

Hate it. Hate it. Hate it.

I hate everyone.

Well, except for him.

Tuesday

Bilog ang buwan mamaya. Ano kaya ang puwede ko ialay para mapansin niya ako? HAHAHA.

Friday

Napakagaga ko! I bumped into him. O siya ang nakabangga sa akin? OMG. I don't actually know! Bigla na lang siya sumulpot sa kung saan sa hallway. Sobrang nakakahiya. Ang dami pang nakakita.

Sobra ang kabog sa dibdib ko kanina.

Ang mga mata niya... kulay cappuccino kapag natatamaan ng liwanag ng araw. Then he opened his mouth. Kinabahan talaga ako kasi akala ko magagalit siya sa akin. Tapos nag-'sorry' siya kasi hindi raw siya tumitingin.

Ako namam 'tong si gaga nag-'you're welcome' sa sinabi niya. Parang hihimatayin na kasi ako kanina at hindi makapag-isip ng maayos. Pero napangiti siya sa sagot ko. Sobrang guwapo talaga! Ang perfect ng ngiti niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin niya ako at kinausap.

We had a moment.

*oh, dream on, Karina, dream on*

Napahinto sa pagbabasa si Julia.

"Karina..." inulit niya ang pangalang nabasa. May kung anong kaba ang bumundol sa dibdib niya.

Posible kayang journal ni Karina Ramos iyon?

Binalikan ni Julia ang mga unang pahina ng journal. Naghahanap ng palatandaan kung tama ba ang hinala niya. Dahil kung kay Karina nga iyon ay nangangahulugan na hindi lamang coincidence ang pagkakadampot niya roon.

Wala siyang nahanap sa mga pahina. 

Ngunit natagpuan niya sa ibabang bahagi ng back cover ng journal ang mga salitang nakasulat gamit ang white ink pen:

I AM JUST A GIRL LOST IN YOUR EYES

KARINA RAMOS

Tila napatid ang paghinga ni Julia na para bang may bumara sa kanyang lalamunan sa kumpirmasyong nabasa. May ilang sandaling napatitig lamang siya sa nakasulat doon. Napahawak siya sa kanyang sentido nang para bang pumintig iyon

Chain LetterWhere stories live. Discover now