Chapter Twenty Three

545 32 6
                                    


JULIA'S mouth parted in shock. Sana ay mali lamang siya nang basa sa pangalang nakasulat sa tissue paper. Binalot siya ng labis na pagkalito. Ngunit mas nangingibabaw sa pagkatao niya ang hindi magandang kutob.

Naguguluhang napatingin siya kay Joshua. "Ikaw?"

Hindi ito nakakibo. Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito. Pinaandar nito ang sasakyan, nagmaniobra, at nang makarating sila sa kalsada ay saka nito pinaharurot iyon.

"Josh—" Kamuntik na siyang humampas sa salamin sa gilid niya. Nakaramdam na siya ng takot at mabilis na inayos niya ang upuan niya. Hindi siya makapagkabit ng seatbelt sa pagkataranta niya.

"Hindi ka na dapat in-involve pa ni Marco," anito na ang mga mata ay tuwid sa kalsada. Naglilitawan ang mga ugat sa leeg nito sa pagtatagis ng mga bagang nito.

"Josh, please, mag-usap na lang tayo." Sinikap niyang maging kalmado. Ngunit hindi niya maitago ang pagpa-panic sa bilis ng pagmamaneho nito sa madilim at makitid na kalsada.

"Ano pang alam mo, Julia? Ano pa ang sinabi sa iyo ni Marco?" mariin ang bawat salita nito.

"You're scaring me," aniya na naiiyak na. "Ihinto mo muna itong sasakyan—"

"Sumagot ka!" bulaw nito sa kanya na halos mapatalon siya sa kinauupuan sa labis na pagkagulat.

"W-wala," nanginginig na tugon niya.

Sandaling nilingon siya ni Joshua. Salubong ang mga kilay nito at nanlilisik ang mga mata. "Huwag kang magsinungaling sa akin. Ano pang sinabi sa iyo ng tarantadong iyon? Bakit ibinigay niya sa 'yo ang journal?"

"I swear, wala. Wala nga..." sunod-sunod na sagot niya na napapakapit nang mahigpit sa gilid ng upuan niya. Noong sandaling iyon ay parang ibang Joshua ang kaharap niya. Tila ibang tao ito. At bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito na handa siyang ipahamak? She had this feeling, in her gut, that she couldn't shake na may itinatago itong katotohanan na higit pa sa alam ng lahat na totoong nangyari kay Karina Ramos. At alam din iyon ni Marco.

Umiling lamang ito. "Tang-ina mo talaga, Marco," matindi ang galit sa tinig nito.

"Josh, kapag hindi mo inihinto ito tatawag ako ng tulong," babala niya na kaagad na dinukot sa bulsa ng jeans ang cell phone niya.

Ngunit bago pa siya makapag-dial ay nahablot ni Joshua ang cell phone niya at inihagis iyon sa backseat.

Napaiyak na siya nang tuluyan. At that moment he was not the Joshua she knew. Hindi niya alam ang gagawin at parang kinakapos na siya sa paghinga. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito at kung ano ang maaaring gawin nito. Walang habas ang pagmamaneho nito.

"Please, Josh, ibaba mo na ako!" sigaw niya at pinilit na abutin ang manibela.

Sandaling nag-swerve sila sa kalsada. Ngunit malakas si Joshua kung kaya naibalik nito sa lane ang kotse. Sumingasing ito at hinablot si Julia sa buhok at marahas na inihampas ang mukha niya sa dashboard.

She thought she screamed, but barely a croak came out.

May ilang segundo ang nagdaan bago niya naramdaman ang sakit sa bungo niya. Pumipintig iyon. She let out a tiny cry. Pagkatapos ay may naramdaman siyang mainit na likido na umaagos sa mukha niya at nang hawakan niya iyon ay doon niya nakita na dugo iyon.

Biglang umiikot ang paningin niya. Nasambit niya ang pangalan ng Diyos sa isipan. Hanggang sa nagdilim ang lahat sa kanya.


HINDI nito napansin na makasasalubong siya nito sa hallway. Bumangga sa dibdib niya si Karina Ramos. Matutumba sana ito kung hindi niya ito nasalo sa braso.

Chain LetterWhere stories live. Discover now