Chapter Seven

1.2K 63 14
                                    



HALOS maibato na ni Joshua sa dashboard ang cell phone niya dahil sa pagkayamot. Nakaiilang tawag na siya kay Jessica pero hindi pa rin niya ito makontak. Ni hindi rin ito nagre-reply sa mga text niya. Naka-off yata ang cellphone nito. Pero hindi ba nito maisip na kontakin siya sa cellphone ng iba?

Magdadalawang oras na siyang naghihintay sa loob ng kotse niya sa tapat ng entrance ng campus. Nakausap niya si Julia kanina at ang sabi nito'y naghiwalay ang mga ito kaninang ala sais pa. Ang huling text ng girlfriend ay sa entrance ng campus sila magkita. Sinubukan niya rin itong tawagan sa kanila ngunit ang sabi ng yaya nito'y hindi pa ito umuuwi.

Napabuga siya ng hininga sa sobrang frustration. Pagod siya mula sa practice at kanina pa niya gustong umuwi at magpahinga. Hindi na niya alam kung sino pa ang puwede niyang kontakin para malaman kung nasaan ang nobya.

Ni-recline niya ang upuan dahil nagsisimula na siyang antukin. Hindi niya alam kung ilang oras pa ang ipaghihintay niya kay Jessica.

Ibinababa niya kaunti ang bintana upang hindi siya malason sa carbon monoxide kung sakaling makatulog siya nang matanaw niya si Jessica. Kalalabas lamang nito ng gate.

Mabilis na nawala ang antok ni Joshua at binusinahan ito. Napakunot-noo siya sa pagtataka sa nakita niyang hitsura nito; yaka-yakap ni Jessica ang sarili at wala sa ayos ang damit nito.

May pag-aalalang mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tinawag ito nang hindi nito pinansin ang pagbusina niya.

"Babe!" sigaw niya.

May ilang segundo bago siya nakita ni Jessica. Nagtama ang tingin nila. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang anyo nito na para bang takot na takot ito at tila maiiyak anumang sandali.

Ang kaninang pagkainis niya rito'y napalitan ng labis na pag-aalala. Alam niyang may hindi magandang nangyari dito.

Tatawid na sana siya upang sunduin ito ngunit naunahan siya ni Jessica. Mabagal ang kilos nito na tila ba nanghihina.

Nasa gitna na ito ng kalsada nang huminto ito sa paghakbang. Hindi niya alam kung bakit ito huminto at nakatitig lamang sa kanya. Ang mga mata'y naglilikot at nangingislap sa mga luha.

Binawi nito ang tingin sa kanya at nag-angat ng kamay sa mga mata sa liwanag na sumilaw dito mula sa parating na sasakayan.

Doon saka siya muling binalikan ng tingin ng nobya nang isigaw niya ang pangalan nito.

"Jessicaaaaaa!!!"

Nilamon ng mahabang busina mula sa truck ng basura na nagdaan ang sigaw ni Joshua.

It happened so fast.

Nawala si Jessica sa paningin niya.

His eyes widened in terror. He kept on screaming Jessica's name until the sound refused to come out.

Paluhod siyang bumagsak sa lupa nang mawalan siya ng lakas. Pakiramdam niya'y nabingi siya. Hindi na niya rinig ang hindik na pagsigaw sa mga nakasaksi sa nangyari.

Nanginginig ang buong katawan niya nang bumagsak ang tingin niya sa naiwan sa kalsada; ang kapares ng sneakers ni Jessica at ang maraming dugo na gumuhit sa dinaanan ng truck.

WALANG patid ang iyak ni Julia. Sa tapat niya, sa La Funeria Paz kung saan ginanap ang unang wake ni Jessica, ay ang mataas na copper urn na pinaglalagyan ng abo nito. Sa likuran ng urn ay ang malaking portrait ng yumaong kaibigan. Magkakasama sila noon nina Vanessa nang magpakuha ng portrait si Jessica. Para sana iyon sa nalalapit nitong debut. Ngunit hindi na magaganap iyon.

Sa portrait ay buhay na buhay ito at napakaganda ng ngiti ni Jessica. She always envied her perfect set of white teeth. Tipong iyong pang-commercial ng toothpaste. Isa ito sa may pinakamagandang mukha sa campus. Sobrang vain nito na gabi-gabi ay may sinusundan itong skin care routine na natutunan nito sa mga iniidolo nitong female Korean celebrities.

Ngunit ang nangyaring aksidente rito ay sobrang nakapangingilabot. Nawalan ng preno ang truck na kumaladkad kay Jessica. Sumabit ang katawan nito sa bumper ng sasakyan at bumangga iyon sa poste ng Meralco. Naipit ito sa pagitan ng poster at bumper. Nadurog ang bungo nito na halos hindi na ito recognizable kung kaya ipina-cremate ito ng mga magulang.

Usap-usapan ng iba sa social media na nag-suicide ito. May mga nakasaksi na nagsasabing sinadya ni Jessica ang magpasagasa. Pero hindi iyon ang sinabi ni Joshua na nakita nito. Isang aksidente ang nangyari at sinisi nito ang driver ng truck na walang habas sa pagmamaneho.

Hindi niya lubos maisip na huling pagkikita na pala nila kanina nang magpaalam siya rito. Everything happened so fast. Nakatanggap na lang siya ng tawag mula kay Billy kaninang pasadong alas dies at ikunuwento nito ang nangyari. Ilang oras lamang ang lumipas ay nakaburol na ang kaibigan.

Noong una ay si Vanessa. Ngayon naman ay si Jessica. Hindi niya alam kung totoo pa bang nangyayari ang mga nangyayari. Siguro ay isang masamang panaginip lamang ang lahat. Magigising din siya. Sana.

Nawala ang tingin niya sa portrait ni Jessica nang umupo sa tabi niya si Billy. Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon.

Napayakap siya rito.

"Sorry ngayon lang ako nakarating," halos bulong lang na sabi nito. Bakas sa boses nito ang matinding kalungkutan.

Iginala ni Julia ang tingin. May hinahanap.

Wala si Joshua. Mag-isa lang ito na dumating.

"Dinaanan ko si Josh sa kanila. Hindi pa raw siya lumalabas ng kuwarto niya," matamlay na paliwanag ni Billy nang mapansing hinahanap niya ito.

Doon lang napansin ni Julia na bahagyang lubog na ang ilalim ng mga mata nito at malaki ang ipinayat nito simula noong mamatay si Vanessa.

Nagyuko siya ng ulo upang itago ang muling pag-iyak. Masakit na ang mga mata niya sa pag-iyak.

"Ang unfair..." She buried her face in her hands. Napahagulgol siya. "It's unfair. Maraming namang masasamang tao na mas karapat-dapat na mamatay. Pero bakit sila pa?"

Dumukot si Billy ng panyo sa bulsa ng varsity jacket nito at iniabot sa kanya.

Kinuha niya iyon at kaagad na tinuyo ang mga luha niya.

"Ang hirap pa ring paniwalaan..." anito, halos bulong na lang. "Pero kailangan nating maging matatag, Julia. Para din kay Joshua."

Hindi siya nakasagot. Alam niyang kailangan din ni Billy ng suporta at paghuhugutan ng lakas dahil kamamatay lang din ng girlfriend nito. But he was the toughest in the saddest days of their lives.

Napatingin siya sa kabilang isle nang marinig niya ang paghagulgol ng mommy ni Jessica. Nakaalo rito ang daddy nito at si Erick na bunsong kapatid nito. Hindi niya kayang isipin ang pighating pinagdadaanan ngayon ng mga Mallari.

Sa mahabang sandali ay walang salitang namutawi sa dalawa. Si Billy ay tila tulala, ang malungkot na mukha nito'y nakatuon lamang sa pinaglalagyan ng abo ni Jessica.

Tumayo siya nang maramdaman niyang kailangan niyang magbanyo. Hindi na siya nagpaalam kay Billy.

Kaunti pa lang ang mga naroon upang makiramay. May ilang mga kamag-anak na dumating at dalawang classmates nila ang naroon.

Lumabas siya ng chapel upang hanapin ang CR. Ang luminous signage ang nagturo sa kanya roon sa dulo ng mahabang hallway.

May kadiliman bahagya ang hallway. Ang ilang fluorescent lamp sa kisame ay hindi nakabukas. Marahil ay mga pundido na. Ang ilan ay umaandap-andap pa.

Hindi niya maiwasan ang hindi mag-isip ng katatakutan habang naglalakad sa bahagyang may kadilimang hallway sa funeraria. Kung hindi lang talaga siya ihing-ihi ay gusto na sana niyang bumalik.

Nang marating niya ang CR ay kaagad siyang dumiretso sa isa sa mga cubicle roon. Sinikap niyang bilisan dahil hindi niya gustong magtagal doon. Bukod pa sa pakiramdam niya'y siya lamang ang mag-isa roon na lalong nagdadagdag ng katatakutang nararamdaman niya.

Ngunit nagkamali siya ng akala nang makarinig siya ng humihikbi mula sa cubicle sa kaliwa niya.

Chain LetterWhere stories live. Discover now