Chapter Twenty Four

595 26 2
                                    

PALABAS si Joshua mula sa shower at tinutuyo ng tuwalya ang buhok nang mapahinto siya sa nabungaran niya sa locker area. Napa-'shit' siya sa gulat at napatda sa kinatatayuan. Naroon si Karina. Balik na uli ito sa dating anyo nito.

"Paano ka nakapasok dito?" inis na tanong niya, nagtuloy siya sa bleacher at kaagad na nagsuot ng briefs. Hindi niya alam kung kelan pa nito siya minamanmanan na nalaman nito kung kailan siya mag-isa na lang sa locker. Alam niyang hindi ito magkakalakas ng loob na komprontahin siya sa maraming tao dahil alam nitong mapapahiya lamang ito.

Mahigit isang buwan na simula noong pagpustahan nilang magkakaibigan ito. Ganoon na katagal na iniiwasan niya ito. May mga babae talagang tulad nito na naka-sex lang ay inakala nang puwede na siyang gawing pag-aari.

Hindi sumasagot si Karina. Nasa mukha nito na tila ba nag-iipon pa ng lakas ng loob na kausapin siya.

Nagsuot siya ng shorts at pagkatapos ay sinuri muna ang paligid upang matiyak na walang ibang tao roon bukod sa kanila. Pagkuwan ay nilapitan niya ito at dinuro ito.

"Kung anoman 'yong nangyari sa atin kalimutan mo na, okay?" asik niya.

Tangkang hahawakan siya nito ngunit naiwasiwas niya ang braso. Bumalik siya sa bleacher upang magsuot ng pantaas. Gusto na niyang umalis doon bago pa magkataon na may ibang makakita sa kanila.

"Buntis ako, Joshua."

Na-freeze siya sa akmang pag-abot niya sa T-shirt niya. Napaharap siya rito.

"Buntis ako," mariing pag-uulit nito nang tila ba parang nabingi siya.

Napailing siya rito at nagpatuloy sa pagbibihis habang sa likuran ng isip niya'y binabalikan iyong araw na nag-sex sila. Oo't wala siyang protection pero nakapag-withdraw siya.

Napailing siya muli. Posibleng nagsisinungaling ito dahil obsessed ito sa kanya.

Umupo siya sa bleachers at nagsuot ng mga sapatos. "Wala akong panahon sa ganito, Karina. Umuwi ka na at tantanan mo na ako," aniya habang nagsisintas.

"Nagsasabi ako ng totoo," anito na bahagyang humakbang palapit sa kanya. "Buntis ako at anong gusto mong gawin ko?" May ibinato ito sa kanya na maliit na bagay. Tumama iyon sa gilid ng mukha niya at bumagsak sa paanan niya.

Pregnancy test iyon.

Nagsasabi ng totoo si Karina.

Sandaling natuliro ang isip niya. Wala siyang naging tugon ngunit hindi niya ipinakita ang pagkabigla niya. Inabot niya ang duffel bag niya, tumayo at nilagpasan ito palabas ng locker room.

Ngunit pinigilan siya nito sa braso. "Joshua, anong gagawin ko?"

"E, 'di ipalaglag mo. Wala akong pakialam." Marahas na binawi niya ang braso at nagpatuloy.

"Joshua, please..." Hinabol siya nito. "Sabi mo mahal mo ako?"

Huminto siya upang harapin ito. "Gusto mong malaman ang totoo?" he hissed at her. "Pinaglaruan lang kita. Isa ka lang pustahan. Pustahan naming magkakaibigan." Siempre hindi niya sasabihin dito na naka-upload sa isang porn site ang video nila habang nagse-sex at nakatatanggap sila ng pera dahil sa views niyon.

Parang nasukol si Karina sa hindi nito inaasahang marinig. Napalunok ito at agad na nangilid sa mga mata ang mga luha nito.

"Kaya puwede ba? Huwag ka nang magpapakita pa sa akin?"

Nagbaba ito ng tingin at napasinghot ito. Rinig niya ang tila paghahabol nito ng hininga. Mayamaya'y nag-angat ito ng tingin sa kanya, mabilis na pinahid nito ng daliri ang mga nangilid na luha nito. May nabuhay na tapang sa mga mata nito. "Ipaaalam ko sa lahat ang nangyari sa atin, Joshua. Malalaman din ng lahat ang katotohanan. Buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko," may banta sa tinig nito.

Chain LetterWhere stories live. Discover now