Chapter Twelve

895 44 2
                                    



NANGINGINIG pa rin si Julia. Yakap ang sariling nakaupo siya sa sofa sa labas ng school admin office. Naghihintay na dumating ang mama niya para sunduin siya.

Si Billy naman ay nasa loob ng office at kinakausap ng dalawa sa mga pulis na dumating sa campus. Isa-isa silang hinigan ng statement sa buong nangyari. Liban kay Joshua na naunang umuwi nang kaagad itong sunduin ng ama nito. Sinabi ng ama nito that his son had been through a lot of trauma lately at ang abogado na lamang ng pamilya ang kausapin.

Sa labas ay naririnig pa rin niya ang ingay ng ambulansya at baranggay patrol. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang ginawa ni Marco. Paulit-ulit na naglalaro sa utak niya nang saksakin nito ng cutter ang sarili. Tila naiwan na sa ilong niya ang makapal na amoy kalawang na dugo nito.

Pangatlo na ito na estudyanteng namamatay sa NHA. At hindi niya gustong isipin na magkakakonektado ang lahat ng pangyayari.

Napapikit siya at muli niyang nakita sa isip ang anyo ni Marco kanina. Klarong-klaro pa rin niyang nakikita ang nagmamakaawang anyo nito habang dinuduro kina Billy at Joshua ang cutter.

Ang buong iniisip niya'y nababaliw ito.

But he was helpless. He was terrified.

Pero saan?

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Julia?"

Ano ang hindi niya naiintindihan?

Bakit ganoon nito kinausap sina Joshua at Billy na parang magkakakilala silang tatlo?

Napahawak siya sa palapulsuhan niya at bumagsak doon ang tingin niya. Naroon pa rin ang pamumula niyon at sugat mula sa pagkakabaon ng mga kuko ni Marco.

"Please ayoko pang mamatay...."

Napahimas siya ng mga braso nang para bang malinaw pa rin niyang naririnig ang pagmamakaawa ni Marco.

"Nandito siya..."

Napatid ang paghinga niya nang bigla niyang maalala kung kanino niya unang narinig din iyon. Natahip niya ang dibdib nang may bumundol na kaba roon.

Iyon na iyon din ang sinabi noon ni Vanessa sa school clinic bago ito tumalon mula sa rooftop.

Napahawak siya sa sentido nang biglang umigting iyon. Doon niya na-realize na magkapareho ang nakita niya sa mga mata nina Marco at Vanessa bago mamatay ang mga ito.

Pinangingilabutan siya at pakiramdam niya'y tila bumigat ang hangin sa paligid.

May inilabas na cell phone si Julia mula sa bulsa ng jeans niya. Bago sila lumabas kanina sa classroom ay nakita niya iyon sa bandang paanan niya at sa pagkataranta niya'y pinulot niya iyon. Nagmamadali siya at ang akala niya ay baka kina Joshua o Billy iyon.

Ngunit nang tanungin niya ang mga ito'y itinanggi ng mga ito ang cell phone. Doon niya napagtanto na marahil ay kay Marco iyon na humagis sa commotion kanina.

Sandaling ineksamen niya ng tingin ang isang lumang modelo ng Zenphone. She swiped the cell phone on.

Wala password iyon. Una niyang sinubukan na i-check ang Image Gallery upang makahanap ng palatandaan kung kay Marco nga ba ang iyon.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang sa unang larawan na nakita niya. Walang duda na pagmamay-ari ni Marco ang cell phone.

He was stalking her.

May larawan siya na kuha mula sa malayo habang nasa library siya. Inisa-isa pa niya ang mga photo na nasa gallery. May lima o anim na larawan siya roon. May ilang shots na kuha pa noong nakaraang linggo.

May kuha rin ng larawan mula sa burol nina Vanessa at Jessica. Ngunit hindi niya natatandaang nakita niya ito sa burol ni Vanessa.

Nag-browse pa siya upang tingnan ang ilan pang larawan. Ang ilan ay puro selfie na nito. Sa tingin niya'y kuha ang mga iyon months ago pa. Maikli pa ang buhok ni Marco at hindi ito kasing payat ngayon.

She noticed it for the first time that Marco was actually good looking. He had a muscular physique and he looked like he had an easygoing personality.

Pero ano ang nangyari at nagkaganoon ito? What drove him mad?

Isasara na sana niya ang gallery nang wala sa isip na na-swipe pa niya ang kasunod na photo.

Kung hindi niya siguro hawak nang mainam ang cell phone ay baka nahulog iyon sa biglang panlalambot na naramdaman niya sa bumungad sa kanya.

It was a group selfie. Magkakasama sina Billy, Vanessa, Jessica, Joshua na nakaakbay kay Marco Sandoval. Kuha ang shot na iyon sa isang café.

Sinubukan pa niyang mag-browse ng ilan pang photos at marami pa siyang nakitang larawan na magkakasama ang lima. May selfie si Marco na nakaakbay rito si Joshua at nakaakmang hahalikan ito sa pisngi. May kuha rin na magkakasama ang tatlo; Billy, Joshua, Marco.

Bigla niyang naalala. Nakita na niya ang lumang larawan na iyon na magkakasama ang tatlo noong minsang mag-stalk siya sa Facebook account ni Joshua. But that was a long time ago. Bago pa lamang siya noon sa NHA. Kung kaya parang pamilyar sa kanya si Marco noong una niya itong makita sa pasilyo sa funeraria noong unang gabi ng burol ni Jessica.

Ang mga larawang iyon ay kuha pa marahil bago pa siya dumating sa NHA.

They were friends.

Ngayon ay unti-unti nang lumilinaw ang lahat sa kanya.

But what happened a year ago? Anong nangyari sa barkadahan ng mga ito at gano'n na lamang ang naging galit ni Joshua kay Marco? At gayon din si Marco rito.

Bakit ni minsan ay hindi man lang napag-usapan si Marco ng magbabarkada?

Napatayo siya at sinilip si Billy sa loob. Kausap pa rin ito ng mga pulis. Sigurado siyang mabibigyang linaw nito ang mga katanungan niya.

Napabalik siya sa pagkakaupo sa sofa. Mabilis ang kabog sa dibdib niya. Muli niyang binalikan ang cell phone ni Marco. Napansin niyang may unread message ito.

Binuksan niya ang message. May unread message ito mula kay Karina Ramos.

Labis na naguluhan siya. Ang alam niya'y patay na si Karina Ramos. Bakit may message si Marco na natanggap mula rito? Na-receive ni Marco iyon thirty minutes bago ito nagpakamatay.  O marahil ay kapangalan lamang nito ang sender?

Wala siyang karapatang basahin iyon. At alam din niyang hindi dapat nasa kanya ang cell phone nito. 

Ngunit nanaig ang curiosity niya.

Binuksan niya ang message. At sana ay hindi niya ginawa iyon.

THE CHAIN LETTER FOUND MARCO SANDOVAL AGAIN.

HE GUTTED HIMSELF TO DEATH WITH A BLADE CUTTER.

Nabitawan ni Julia ang cell phone at dalawang kamay na napatakip ng bibig upang pigilan ang sarili na mapasigaw.

May ilang segundong tila naparalisa siya sa kinauupuan niya. Nanlalaki ang mga matang nakatitig kung saan bumagsak ang cell phone.

Bigla siyang nanlamig at pinanayuan ng mga balahibo sa batok nang maramdaman niyang may nakakapit sa ibabaw ng balikat niya mula sa gilid niya.

Nanginginig na nag-angat siya ng tingin sa nagmamay-ari ng kamay sa balikat niya.

"Julia, anong nangyayari sa 'yo?" Sinalubong siya ng nag-aalang tingin ng kanyang ina.

Agad siyang napatayo at mahigpit na napayakap dito.

"Kanina pa kita tinatawag? What's wrong?" malumanay ngunit may pagkabahalang tanong ng niya. Hinimas-himas nito ang likuran niya. "Por dios por santo, Julia, nanginginig ka."

"'Ma..." iyak niya sa dibdib nito. "Ayoko nang pumasok, 'Ma..." 

Chain LetterWhere stories live. Discover now