Chapter Twenty Five

728 43 3
                                    


MASAMID-SAMID si Julia nang magkamalay siya. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Ramdam pa niya ang pagkahilo nang magmulat siya ng mga mata. Ilang segundo muna ang nagdaan bago magrehistro sa isip niya ang nangyayari. Ramdam niya ang magaspang na konkretong sahig na kumakayod sa likod niya at sa likod ng ulo niya. Doon niya napagtanto na hatak-hatak siya ni Josua sa isa niyang paa. Kinakaladkad siya sa kung saan.

Muling nabuhay sa dibdib niya ang matinding takot nang magbalik sa alaala niya ang pangyayari bago siya nawalan ng malay... at ang mga nakita niya na sinundan niyon.

Hindi niya tiyak kung bahagi pa rin ba ng panaginip niya ang nagaganap noong sandaling iyon. Dahil nakita niya ang lahat sa isip niya na tila isang napakalinaw na panaginip. Nakita niya ang lahat na para bang naroon siya mismo sa bawat eksenang naganap noong nakaraang taon noong mamatay si Karina.

Parang isang napakalinaw na alaala na hindi naman kanya. 

Pinatay ni Joshua si Karina Ramos. Sangkot doon si Marco. At iyon ang gusto nitong ibunyag sa kanya.

Ngayon alam na niya kung bakit hindi matahimik si Karina. Dahil hindi lamang ito ang pinatay ni Joshua kundi ang nasa sinapupunan din nito.

At ngayon ay sasapitin din niya ang sinapit nito.

Iginala ni Julia ang tingin sa paligid kahit nahihilo pa siya at hindi maka-focus ang paningin niya. Ramdam niya ang matinding sakit na pumipintig sa ulo niya na gusto niyang masuka. Madilim ang paligid at ang bahagyang liwanag ay nagmumula sa bilog na buwan sa kalangitan.

Sa unahan niya'y si Joshua na sumisipol habang kinakaladkad ang katawan niya. Malamig ang hangin ngunit pinagpapawisan siya. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya ngunit tiyak niyang nasa mataas na dako ang kinaroroonan niya.

"O, gising ka na pala," si Joshua na nilingon siya saka bumitiw sa pagkakahila sa kanya.

Sinikap ni Julia na iangat ang sarili gamit ang mga siko at napaatras siya palayo rito.

Umi-squat sa tapat niya si Joshua. Nakangisi na tila nasisiraan na ng bait. "Sayang ka, Julia. Type pa naman kita."

"Please..." paos ang tinig na lumabas nang magsalita siya. "Hindi ako magsusumbong... mananahimik ako..."

Pumiling ang ulo nito pakaliwa at pinakatitigan siya na para bang pinag-iisipan ang sinabi niya. Nagliliwanag sa dilim ang tila nauulol na tingin sa mga mata nito. Hindi niya inakala noon na capable si Joshua na gumawa ng gayon.

"Nah." Tumayo ito. "You're a loose end. I can't afford to take that risk."

"Huwag naman ganito, Josh..." Hindi niya napigilan ang maluha. Labis siyang pinanginginigan sa takot. "Ayoko pang mamatay..." pagmamaka-awa niya.

"Ayokong makulong," kaswal na tugon nito at saka humakbang palapit sa kanya at tinangka siyang abutin sa braso.

"Joha, huwag... please... parang awa mo na..." iyak niya. Sinikap niyang palagan ito ngunit hindi sapat ang lakas na meron siya. Hinablot siya nito sa braso at pinilit na itayo siya.

Nang tuluyan siyang makatayo ay doon niya napagtanto na nasa itaas sila ng isang gusali.

"Saan mo ako dadalhin?" nagpa-panic na tanong niya habang hinihila siya ni Joshua.

Hindi ito sumagot. Sinikap niyang pigilan ito sa pagkakahatak ngunit nananaig ang lakas nito.

Sumigaw si Julia. Buong lakas na meron siya. Humihingi ng saklolo.

"Kahit anong sigaw mo walang makaririnig sa 'yo. Nasa roof top tayo ng Anne Marie Bates," kalmado ang boses nito. Ang tinutukoy nito'y ang abandonadong Anne Marie Bates Hospital sa Hill Crest. "Don't worry... hindi mo na siguro mararamdaman ang pagkamatay mo kapag nahulog ka rito."

Chain LetterWhere stories live. Discover now