Chapter Three

1.3K 77 14
                                    


TAHIMIK silang apat na magkakasama sa cafeteria noong vacant. Si Jessica ay hindi na kumain dahil wala itong gana. Si Julia naman ay kanina pa nilalaro ng tinidor ang hindi naubos na cheese cake sa platito niya. Ibang-iba ang araw na iyon sa normal na araw nila sa campus at sa official na tambayan ng grupo sa cafeteria.

Nasa clinic pa rin si Vanessa at nagpapahinga. Hinihintay na lamang ang pagsundo rito ng mga magulang nito.

"Meron ba kaming dapat malaman?" binasag ni Jessica ang katahimikan nang mag-angat ito ng tingin sa direskyon ni Billy. May laman ang tanong nito.

Kunot-noong sinalubong ni Billy ang tingin ni Jessica. "Malaman na ano?"

Naguluhan si Julia. Hindi niya alam kung ano ang gustong ipakihulugan ni Jessica sa tanong nito.

"Kasi hindi ko na alam ang iisipin ko," nababasag ang boses nito nang sumagot. Halatang nagpipigil ng iyak. "I feel scared. Hindi ko alam kung bakit o kung saan. Bakit nagkakagano'n si Van? Kailangan ko ng explanation sa nangyayari, Billy—"

Marahas na hinampas ni Billy ng kamao ang ibabaw ng mesa dahilan kung bakit napahinto si Jessica. Umalog ang platito ni Julia. Hindi naitago ni Joshua ang gulat. May ilang napatingin sa area nila.

"Teka nga. At ano'ng iniisip ni'yo, ha?" Matalim ang tingin na ipinukol ni Billy sa kanilang tatlo. "Na pina-try ko siya ng drugs?" His jaw clenched, then shook his head. "Hindi ako gago para gawin 'yon. Hindi lang kayo ang naguguluhan. Ako rin. Maayos pa ang lahat bago tayo maghiwa-hiwalay kagabi, 'di ba? Magkakasama tayong umuwi, 'di ba?" Mariin ang bawat salita nito na kulang na lang ay madurog sa mga ngipin nito.

Doon lang naintindihan ni Julia ang lahat. Nalaman niya noon kay Jessica na na-kick out noon si Billy sa dati nitong eskuwelahan dahil nahulihan ito ng drugs. Dahil mayaman at maimpluwensya ang pamilya ay naayos agad ang gusot. That was two years ago. Ang alam niya'y hindi na muling binalikan pa nito ang dating bisyo.

Tuluyan nang umiyak si Jessica na kaagad na inalo ni Joshua. "Hindi ko na kasi alam ang iisipin ko. Ngayon ko lang siya nakita na gano'n. Bakit parang nasisiraan na siya ng bait?"

"Magiging ayos din ang lahat," pag-alo ni Joshua sa girlfriend.

"Ako lang ba, ha?" sabi ni Jessica sa lahat. "Ako lang ba 'yong takot? Ako lang ba 'yong nakafe-feel na parang may masamang mangyayari—" Pinutol ng pagtili mula sa malayo ang sinasabi nito.

Naglabasan ang ilang mga estudyante sa cafeteria upang alamin ang dahilan ng nakaaalarmang pagtili.

Hindi alam ni Julia kung bakit siya biglang kinutuban ng masama. Bigla na lang may kabang bumundol sa dibdib niya.

Dali-dali silang tumayo upang alamin kung ano ang nangyayari.

Nagkalumpunan ang maraming estudyante sa quadrangle. Nagtakbuhan na rin doon ang mga guro.

Nakarinig sila na may nagsabi ng 'may tumalon sa rooftop'.

Lakad-takbo ang ginawa ni Julia habang hindi niya maalis sa dibdib ang kaba. Kung bakit ay hindi niya alam.

Naramdaman na lang niya na nakakapit na sa kamay niya si Jessica na sumasabay sa mabilis na lakad niya.

Ngunit agad ito bumitiw sa kanya nang maulinigan nila sa mga naroon ang pangalan ni Vanessa. Nasa mukha ng lahat ang sindak at terror.

Sinikap ni Jessica na hawiin ang mga tao. Iisa sila ng iniisip nito.

Ngunit sana ay hindi.

Sana ay mali ang kanyang kutob.

Sana ay ibang Vanessa ang pangalang ibinubulong ng mga naroon.

Ang sumunod na narinig ni Julia ay ang pagsigaw ni Jessica. She was crying and screaming at the same time.

Halos panawan siya ng lakas sa bumungad sa kanya. Pakiramdam niya'y igugupo siya ng kanyang mga tuhod sa biglang panghihinang naramdaman niya.

Limang hakbang mula sa kinatatayuan niya ay ang katawan ni Vanessa na nakahandusay sa pavement. Dislocated ang katawan nito na halos mag-abot ang kanang paa at ulo nito. Tirik ang mga mata at bumubulwak ang dugo mula sa basag na bungo nito.

She could smell the blood thick in the air.

Dalawang kamay na napakapit siya sa kanyang sikmura at hindi niya napigilan ang masuka sa kinatatayuan niya.

Si Billy naman ay halos mapaluhod sa lupa habang ang isang kamay ay mahigpit na nakakapit sa laylayan ng jersey ni Joshua na tila ba roon ito kumukuha ng lakas.

"That's not her..." tila nanghihinang sabi nito. "Hindi si Van 'yan, pare..."

Chain LetterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant