Chapter Eighteen

859 43 5
                                    


HINDI pa sana gustong matapos ni Julia ang gabi. Sa unang pagkakataon simula ng trahedyang sumapit sa kanilang magkakaibigan ay noong gabing iyon lamang nakapag-open up si Joshua. Iyon din ang unang seryosong usapan nilang dalawa. May ilang beses din siyang umiyak dito. Pakiramdam niya'y nabawasan ang bigat na tila nakadagan sa dibdib niya sa matagal na panahon. Nakaramdam siya ng comfort dito.

"Be strong, Julia," anito na hinawakan siya sa balikat. Inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.

Matamlay ang ngiti niya. "Thank you, Josh. Ngayon lang tayo nakapag-usap ng ganito."

Inabot nito ang kamay niya. "Tandaan mo, nandito lang naman ako—" naudlot ang sinasabi nito nang mag-ring ang cellphone nito sa ibabaw ng dashboard. Tumatawag ang ama nito.

Nang sagutin nito ang tawag ay ini-on ni Julia ang ilaw sa loob ng sasakyan at kinalas ang seatbelt sa pagkaka-strap sa kanya. Bubuksan na sana niya ang pinto sa side niya para bumaba nang matigilan siya nang tila may panic sa boses ni Joshua.

"D-Dad, are you sure?" Nanginginig ang boses nito.

Kinutuban siya ng masama. She wondered what was wrong.

Sana ay walang masamang nangyayari.

Ngunit nang magtama ang tingin nila ni Joshua ay nakita niya ang pagkataranta sa mga mata nito. Mabilis nitong in-end call ang tawag. "Tawagan mo si Billy ngayon na!"

Kumabog nang malakas ang dibdib niya. "Bakit? Anong meron?" aniya habang natatarantang kinakapa sa bag ang cell phone niya. "Anong nangyayari, Josh?"

"Call him now. Please!" tugon lang nito habang tila may bina-browse sa screen ng cell phone nito.

"Josh, hindi nagri-ring ang phone niya," aniya na muling sinubukang i-dial ang numero ni Billy. Pero maging kanina pa'y hindi niya rin ito matawagan. Pabilis nang pabilis ang pintig sa dibdib niya.

Ano ba ang nangyayari? Bakit nagpa-panic si Joshua?

"I-dial mo lang. My number ka ba ng kuya niya—oh, god." Napasinghap si Joshua. Nanlalaki ang mga mata nito sa pinanonood nito sa screen ng cell phone nito.

Mayamaya'y naring niya ang pamilyar na boses ni Billy sa speaker ng cell phone ni Joshua.

"Ayokong pang mamatay, pare..." anito sa pagitan ng paghikbi nito. "Not like this..."

Hindi niya kailanman nakita na ganoong takot na takot si Billy. Parang huminto ang lahat nang sandaling iyon habang pinanonood nila ni Joshua si Billy na naka-Facebook Live. Nasa banyo ito at walang suot na pang-itaas.

"J-Josh, b-bro, there you are, pare.  Kanina pa kita hinihintay." Marahil ay nag-notify sa feed nito naka-watch si Joshua sa live broadcast nito. Umupo si Billy sa gilid ng bathtub, rinig sa background ang umaagos na tubig doon. Tumutok sa mukha nito ang hawak na cell phone na gamit pang-live broadcast nito.

Nanginginig ang boses nito nang magpatuloy ito sa pagsasalita, "Wala na, pare... hindi na mangyayari 'yong pangarap kong makapag-UAAP" napapatlang ito nang umandap-andap ang ilaw sa banyo. Napatingala ito sa kisame, ang bola ng mga mata'y naglilikot at kababakasan ng takot.

"What the hell, pare?" si Joshua na tila ba maririnig siya nito.

"God..." usal ni Julia.

Ipinahawak sa kanya ni Joshua ang cell phone nito at agad nitong pinaharurot ang kotse. Mabilis na nag-seatbelt siyang muli. Hindi na niya kailangang magtanong pa, alam niyang pupuntahan nila si Billy.

Chain LetterWhere stories live. Discover now