Chapter Four

1.3K 70 4
                                    


IT'S been almost a week. Nunit hindi pa rin sanay si Jessica na wala na si Vanessa. She missed her bestfriend so damn much. May mga araw na nagigising siya na hindi niya gustong paniwalaan na nangyari ang mga nangyari. Kung paano at bakit nagawa nito ang magpakamatay ay hindi niya labis na maunawaan.

May mga kuwentong umiikot sa campus na nag-break ito at si Billy o may problema ito sa pamilya kung kaya ito nag-suicide. Ngunit alam ni Jessica na walang katotohanan ang mga iyon. Walang lihim na itinatago ang bestfriend niya sa kanya.

They were okay the night before. Kaya iyon ang lalong nagpapagulo sa isip niya kung ano ang posibleng dahilan kung bakit nito nagawang wakasan ang buhay.

Ngunit ang isang mas nagpapaligalig sa kanya ay ang takot na nakita niya noon kay Vanessa. Sa mga mata nito. She could clearly remember the fear and terror she saw in her. Hindi niya iyon makalimutan na sa tuwing pipikit siya ay nagbabalik iyon sa kanyang alaala at malinaw niyang nakikita ang lahat. Hindi niya maiwasang kilabutan kapag naiisip niya iyon. Para bang... may kinatatakutan noon si Vanessa.

Ngunit ano iyon?

At bakit parang hindi siya mapalagay na para bang lagi siyang kinukutuban ng masama?

Kinausap niya si Julia tungkol doon nang matapos ang klase. Dahil hindi siya mapalagay.

"Like someone stepped over my grave. 'Yong gano'ng pakiramdam palagi," tugon nito nang ibalik nito ang libro sa bag. Pauwi na ito.

Napabuga ng hininga si Jessica at napahimas sa braso niya. Kinilabutan siya sa sinabi nito. Pareho silang nararamdaman.

"Jess, I have to go," anito nang tumayo sa upuan nito. "Paano ka?"

"I'm okay." Matamlay na ngumiti siya. "Hihintayin ko pa kasi si Joshy. May practice pa sila."

Napahinto sa pinto ng classroom si Julia nang parang may maalala. "We'll get through this, Jess. I am just a call away."

Pinigil niya ang maiyak. Napagpasalamat siya rito bago ito tuluyang umalis. Bigla siyang muling binalot ng lungkot nang mag-isa na lang siya. Bigla niyang na-miss ang boyfriend niya.

Simula noong unang burol ni Vanessa ay halos hindi na siya iwan ni Joshua. Napakaraming pagkakataon na madalas silang nag-away at kamuntikan na rin silang mag-break last semester. Pero sobrang na-appreciate niya ito ngayon. She realized that she may not have the perfect boyfriend, but at least, where it counted, she had him when she needed him the most.

May ilang sandaling nanatiling nakaupo lamang sa classroom si Jessica. Sinulyapan niya ang wristwatch upang alamin ang oras. Pasado alas sais na ng gabi. Alas siete pa ang tapos ng basketball practice nila Joshua.

Mag-isa na lamang siya roon sa classroom. Nadaanan ng tingin niya ang dating upuan ni Vanessa. Ang lungkot niya'y nahalinhan ng bahagyang takot nang magbalik sa isip niya noong nagsisigaw ito sa klase.

Bigla hindi siyang mapalagay. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng classroom. Naisipan niyang sa library na lang magpalipas ng oras sa paghihintay kay Joshua. Habang papunta roon ay nag-text siya rito:

Mine, huwag mo na ako daanan sa room. Sa entrance mo na lang ako sunduin. Sa library lang muna ako. Love you.

May mangilan-ngilan pang estudyante siyang naabutan sa library. Pero hanggang doon ay hindi pa rin siya mapanatag. Hindi niya iyon maipaliwanag.

She decided to bring her tablet PC out of her bag. Iyon muli ang unang pagkakataon na bibisita siya sa social media simula noong unang araw ng burol ni Vanessa. Sinadya niyang hindi mag-online upang iwasan ang ilang hindi magagandang sinasabi ng marami tungkol sa pagkamatay ng bestfriend niya.

Chain LetterWhere stories live. Discover now