Chapter Nine

947 48 4
                                    




HINDI gustong imulat ni Julia ang mga mata habang walang patid sa pagsigaw. Hindi siya handa sa kung ano ang maaaring bumungad sa kanya mula sa nakahawak sa balikat niya..

"Julia? Julia?"

Doon lang napatid ang sigaw niya at saka siya nagdilat ng mga mata.

Maliwanag na muli ang pasilyo. Napagtanto niyang hindi man lang siya nakalayo ng hakbang mula sa tapat ng pintuan sa labas ng CR.

"Ayos ka lang ba?"

Ang buong akala niya'y si Billy ang nasa harapan niya.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ng nagtatakang lalaki sa harap niya. Doon lamang nito binawi ang kamay sa pagkakahawak sa balikat niya.

Naihilamos ni Julia ang kamay sa mukha niya at doon niya naramdaman na balot ng malalamig na pawis ang buong mukha niya.

Hindi niya magawang makapagsalita sa labis na panginginig pa rin niya.

"Okay ka lang ba?" muling tanong ng lalaki. Siguro'y iniisip na nito na nasisiraan siya ng bait.

Napaangat siya ng tingin dito. She felt that he had seen him somewhere but she couldn't remember. Hindi na nagpa-function ng tama ang utak niya dahil sa matinding takot na nasa sistema pa rin niya. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso niya.

Hindi siya mapagpaniwala sa multo pero paano niya ipaliliwanag ang nangyari lamang?

"Putlang-putla ka," patuloy ng lalaki. "Gusto mo ba ng tulong?"

Sino ang lalaking ito at bakit ito parang pamilyar sa kanya? Sa tantiya niya'y magkasing-edad lamang sila. Naisip niya na marahil ay taga-NHA ito dahil alam nito ang pangalan niya.

Napailing lamang siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Pakiramdam niya'y tinakasan siya ng lakas.

"Ginugulo ka ba n'ya, Julia?"

Mabilis siyang napalingon sa nagsalita na parating. Si Billy iyon na agad siyang hinila palayo mula sa kumakausap sa kanya. Napansin niya ang masamang tingin na ipinukol nito sa lalaki.

"H-hindi," finally she found her voice. Pero nanginginig pa rin siya.

"Anong ginagawa mo rito?" asik ni Billy sa lalaki.

Napansin niya ang pag-atras ng lalaki at pagbaba ng tingin. Tila ba takot ito kay Billy.

Doon napagtanto ni Julia na magkakilala ang dalawa. Pero sino ba ito?

"Gusto ko lang makiramay," mahinang tugon ng lalaki.

"Hindi kailangan," mariing tugon ni Billy na iginiya siya pabalik sa chappel.

Sandaling naguluhan si Julia sa nangyayari. Nilingon niya ang lalaki. Naroon pa rin ito sa kung saan ito nakatayo kanina. Nagtama ang tingin nila. Ang mga mata nito'y may pag-aalala na tila ba nais itong sabihin sa kanya.

"Sino 'yon, Billy?" mayamaya'y tanong niya nang makarating sila sa entrance ng chapel.

She saw his jaw clenched. Ang tingin nito'y nakatuon sa kabaong ni Jessica.

"Some loser sa campus." Matagal bago ito nakasagot. "Hindi dapat pag-aksayahan ng panahon na kausapin ang taong iyon."

APAT na araw na ang lumipas simula nang malagim na aksident na sinapit ni Jessica. Huling gabi na mamaya ng lamay nito.

Kahapon ay nag-organize ng counseling para sa lahat ng estudyante ang North Hill Academy. Nabalitaan niyang pumasok ng araw na iyon si Joshua. Hindi pa sila nagkikita nito simula noong unang burol ni Jessica. Nag-aalala silang dalawa ni Billy para dito. Tinext niya ito upang magkita-kita sila sa cafeteria pero hindi pa ito nagre-reply.

Chain LetterWhere stories live. Discover now