Chapter Fourteen

993 53 7
                                    


PLEASE mag-iingat ka, Billy.

Wala pang ilang minuto nang ihatid niya sa gate si Julia ay nag-text na ito kaagad sa kanya. Itinabi ni Billy ang cell phone sa ibabaw ng mesa. Pagkaalis ng kaibigan ay kaagad na nagbukas siya ng laptop sa dining upang hanapin sa trash folder ng e-mail niya ang binura niyang chain letter.

Hindi niya gustong aminin kay Julia pero simula nang mamatay si Vanessa ay hindi na maalis sa dibdib niya ang hindi maipaliwanag na masamang kutob.

Minsan pa nga'y pakiramdam niya ay may nakikita siyang wala naman doon. Iniisip na lamang niyang namalikmata siya. Hindi rin maaalis sa kanya ang pakiramdam na para bang palaging may mga matang nakamasid sa kanya.

Nabasa niya sa internet na puwedeng dahilan iyon ng anxiety na nagko-cause ng pagka-distress sa kanya. Resulta marahil ng pagmatay ng girlfriend niya.

Gusto niyang isipin na ang lahat ay nasa utak lamang niya. Ngunit ang babala na nakita niya sa mga mata ni Marco ay nagbigay ng kakaibang takot sa buong pagkatao. At noon lamang niya iyon naramdaman sa buong buhay niya. There was this lingering fear lurking inside him. Para bang may hindi magandang mangyayari.

Hindi niya gustong paniwalaan si Julia. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na may logical na dahilan sa mga nangyayari.

Ngunit ano ang logical na dahilan kung bakit tumalon mula sa rooftop ng campus building si Vanessa?

At bakit ngayo'y hinahanap niya ang denelete niyang chain letter?

Na-receive niya iyon at forwarded iyon mula kay Marco. Ngunit ang ipinagtataka niya'y na-receive niya iyon mga ilang sandali lamang matapos ng nangyari dito.

"Shit." Nahampas niya ang mesa at napahawak siya sa noo. Doon niya naramdaman ang biglang pagsulpot ng malalamig na mga pawis niya roon.

Wala sa trash folder ang binura niyang chain letter.

Nakapagtataka iyon dahil naroon pa rin ang ilang e-mails na denelete niya no'ng nakaraang araw.

Marahang napabuga siya ng hininga. He felt his skin prickled. Sinubukan niya muling i-scan ng tingin ang buong trash folder ngunit hindi niya natagpuan ang denelete niyang chain letter.

Matagal na sandaling napatitig lamang siya sa monitor ng laptop niya. Bumabalik sa isip niya ang comfrontation nila ni Julia kanina. Hindi niya gustong i-entertain sa utak ang mga pahiwatig nito.

"Kelan nagsimulang mangyari ang lahat ng ito? Noong ika-isang taon nang mag-suicide si Karina Ramos. Coincidence, Billy?"

Pero hindi siya naniniwala sa multo. Ni hindi rin niya gustong paniwalaan na merong diyos.

Dalawang kamay na napahawak siya sa ulo. Pakiramdam niya'y drained na siya sa sunod-sunod na pangyayari. His mind was like on overdrive. Sunud-sunod na lamay na ang dinaluhan niya. Heto't meron na namang isa pa.

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. Ang gusto na lamang niya'y bumalik na sa dati ang lahat.

He covered his face with his hands. Hindi niya napigilan ang mapaluha nang biglang sumagi sa isip niya si Vanessa. Rumihistro sa isip niya ang magandang mukha nito noong gabing iyon nang magpaalam sila sa isa't isa. He missed her terribly. Hindi niya alam kung paano siya masasanay sa araw-araw na wala na ito.

Labis na ginigiyagis din siya ng pagsisisi na namatay na lang si Marco na hindi sila nagkaayos. Ni hindi niya hiningi ang side ng kuwento nito noong mag-away ito at si Joshua—at na mas pinili niyang panigan ito.

Chain LetterWhere stories live. Discover now