Chapter Two

2K 79 12
                                    

NAKASANDAL si Vanessa sa gilid ng itim na Accent ni Billy na naka-park sa mismong tapat ng gate ng bahay nila. Nakakulong siya sa mga braso ng boyfriend habang nilalaro nito ng mga labi ang earlobe niya. Nilalambing siya nito na mag-overnight ito sa kanila since wala naman ang mga parents niya.

"Next time, babe." Mabilis na kumalas siya sa nobyo bago pa magbago ang isip niya. Nagsisimula nang gumapang ang init sa kanyang buong katawan.

Billy let out a heavy sigh of frustration.

"Ayaw mo pa kasing pagbigyan, Van," kantyaw ni Joshua mula sa driver's side. Nakapuwesto sa backseat sina Jessica at Julia.

She planted a long wet kiss on Billy's lips bago niya ito ipinagtulakan na sumakay na sa kotse. Saka siya dumungaw sa backseat.

"Girl, okay ka lang ba?" Pinuna niya si Julia na tahimik lang. Kanina pa ito tila aligaga at natutulala.

Tinapunan lang siya nito ng ingin saka tumango.

"Okay then. See you bitches tomorrow, " aniya na kumaway sa lahat.

Doon pa lang binuhay ni Billy ang sasakyan at nagbusina bago tuluyang umalis.

ABALA sa laptop niya si Vanessa sa silid niya. Nakatukod ang siko sa ibabaw ng study desk habang sapu-sapo ng kamay ang mukha. Nangingiti habang tina-tag ang lahat sa pictures na in-upload niya kaagad sa Facebook na kuha sa party na natapos.

Alam niyang marami sa campus ang maiinggit na hindi naging kabilang sa mga naimbitahan niya. At alam niyang nadagdagan na naman ang mga minion niya. Pabor iyon sa kanya upang makuha niya ang mga boto nito para siya muli ang hiranging Prom Queen.

Napakunot-noo siya nang tumapat ang mouse cursor sa huling tao na nasa group shot photo. Kuha niya mismo ang larawang iyon sa poolside. Ito na lamang ang hindi niya nata-tag.

Inilapit niya ang tingin sa monitor upang masino ang babae sa larawan na may mahabang buhok. Ang mukha nito'y may camera glitch kung kaya hindi niya ito masino. Nakatayo ito sa pinakadulo at sa likuran ng lahat.

Napaisip siya bigla kung meron ba siyang na-miss sa list ng mga invited guest niya?

Binilang niya ang lahat ng nasa photo according sa invitation na ginawa niya.

Bakit may sobrang isa?

Sino ito?

Nag-iwan siya ng comment: Guys, kilala n'yo ba 'yong nasa dulo sa kaliwa? I don't remember inviting her to the party kasi.

Patayo na sana siya para kuhanin ang kanyang cell phone sa ibabaw ng kama upang tawagan si Jessica at ipakita ang photo nang mag-beep ang laptop niya.

She got mail.

She checked her inbox.

Bahagyang nagtaka siya nang makitang galing kay Marco Sandoval ang e-mail. Hindi na niya matandaan kung kailan pa noong huli niya itong nakausap.

Agad siyang na-curious na buksan ang nakapangalangang e-mail sa kanya.

Ngunit biglang napalayo ang mukha niya sa monitor nang bumulaga sa kanya ang larawan ni Karina Ramos noong nag-suicide ito.

"Gross."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chain LetterWhere stories live. Discover now