Chapter Twenty Two

529 36 3
                                    



NAITULAK ni Julia palayo si Joshua habang walang patid ang kanyang sigaw. Sapat ang liwanag mula sa mga ilaw sa car park upang matiyak niya na hindi siya namamalikmata. 

Ang anyo ni Jessica ay kung ano ang hitsura nito sa portrait nito na naka-display noong burol nito. Suot nito ang pink gown na dapat ay isusuot sana nito sa debut nito. Dalawang kamay na napatakip siya ng mukha upang ikubli ang paningin sa nanlilisik nitong mga mata sa kanya habang nakapanghihilakbot itong nakangisi sa kanya.

"Julia? Julia?" Labis ang pagkagulat at pagtataka ni Joshua. Inalog-alog siya nito sa mga balikat. "Anong nangyayari sa 'yo?"

"J-Jess... si Jess..." umiiyak na tugon niya, almost hysterical. Basa ng luha ang nanginginig na mga kamay na nakatakip pa rin sa mukha. Pakiramdam niya'y nakatingin pa rin si Jessica sa kanya mula sa labas ng bintana. "Nasa labas si Jess..."

"Ha?" Takang-taka ang anyo ni Joshua. Bumalik ito sa upuan nito at inabot ang polo sa dashboard na kaagad nitong isinuot. Sumaboy ang liwanag sa loob ng kotse nang buksan nito ang ilaw. "Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Umalis na tayo rito, please, please..." patuloy na iyak niya, her hands still covering her face. Ang mga luha'y tumatawid sa pagitan ng mga daliri niya.

"Julia..." Hinawakan siya nito sa balikat at hinimas-himas iyon. Naramdaman nito ang panginignig niya. "Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang nangyayari sa iyo," malumanay na sabi nito. Nasa tinig ang pagkabahala at pagtataka.

Sinikap niya na kumalma kahit na tila naiwan sa isip niya ang anyo ni Jessica. Ang buong katawan niya'y hindi niya makontrol sa panginginig sa sobrang takot. Parang sasabog ang ulo niya.

Matagal na sandali bago siya tuluyang huminto sa pag-iyak. Ngunit ang dibdib niya ay pinananahanan pa rin ng takot. Hindi niya maitaboy sa isip ang nakita niya.

"Okay ka na ba?" sabing muli ni Joshua na nakahawak sa balikat niya. "Bakit ka nagkakaganyan?"

Ibinaba ni Julia ang mga kamay na mariing napakapit sa mga tuhod niya. May takot na nilinga ng tingin ang gilid niya at ang labas. Wala na roon si Jessica. 

Inayos niya ang laylayan ng blouse niya. Ang kaninang init na bumabalot sa kanila ay napalitan ng lamig.

"Josh..." panimula niya sa halos paos na tinig. "Sa tingin ko ang lahat ng nangyayaring ito... mula sa pagkamatay ni Van hanggang kay Billy ay may kinalaman kay Karina Ramos."

Inaasahan na niya ang magiging reaksyon ni Joshua. Nakabuka ang bibig nito ngunit hindi nagsasalita. Bagkus ay nakatingin sa kanya na tila ba nasisiraan siya ng ulo.

"Kailangan mong maniwala sa akin, Josh," tila maiiyak siyang muli. "Sinubukan kong warningan noon si Billy. Pero hindi niya ako pinaniwalaan. Huli na noong nalaman niyang totoo ang sinasabi ko."

"Julia, what are you saying?" Bakas ang pagkalito sa buong mukha nito. Ang tinging ipinupukol nito sa kanya ay katulad rin noong una niyang banggiting ang bagay na iyon kay Billy. Ngunit hindi niya gustong mangyari dito ang nangyari kay Billy.

Her hand flew to her mouth, trying to control a sob. Paano niya ito paniniwalain?

Napansandal sa upuan nito si Joshua. Matagal na segundong tahimik na nakatingin lang ito sa unahan ng sasakyan. Ano ang iniisip nito?

"Kailangan mong maniwala, Josh," may pagmamakaawa sa tinig niya. Hindi niya gustong mapahamak ito. Hindi niya gustong mawala ito. Hindi niya kayang isipin na mangyayari din dito ang sinapit ng mga kaibigan niya.

Chain LetterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz