Chapter Eleven

846 48 8
                                    


MULA sa desk niya'y nilingon ni Julia sa likuran ang dalawang bakanteng upuan nina Billy at Joshua. Hindi pumasok ang mga ito. Kaninang ala-dies ng umaga inihatid sa huling hantungan nito si Jessica. Umuwi lamang siya sa bahay upang maligo para maka-attend sa dalawang klase niya sa hapon.

She scanned everyone in the class. Parang normal na araw lang iyon sa lahat.

What's wrong with them?  Tila ba siya lang mag-isa ang nagluluksa. Natatandaan niya na ang ilan sa mga ito ay nasa invited guests na ginawa noon ni Jessica sa pool party ni Vanessa. Ni hindi man lang niya nakita ang mga ito sa burol ng parehong mga kaibigan.

Nang humudyat ang bell bilang pagwawakas ng klase ay inayos niya ang mga gamit niya, sandaling nag-powder ng mukha bago siya lumabas ng classroom. Naisip niyang puntahan si Joshua sa kanila. Nag-aalala na siya rito. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makausap ito kanina sa libing dahil dumirecho na kaagad ito sa sasakyan.

Nasa pintuan na siya palabas nang bumungad sa tapat niya si Marco Sandoval. Pawisan ang buong mukha nito na tila humahangos. Ang mga mata'y nanlilisik sa kanya.

Napaatras siya sa gulat ngunit mabilis siyang hinablot nito sa magkabilang mga braso.

"Bakit ako?! Bakit sa ako?!" Para itong nauulol. Ramdam niya ang pagtalsikan ng mga laway nito sa mukha niya.

Hindi siya makapagsalita sa takot at pagkasurpresa. Ang mga kaklase niyang nasa loob pa ng classroom ay tila mga nataranta.

"Ano ba? Sinasaktan mo 'ko..." Mahigpit na nakabaon ang mga daliri nito sa mga braso niya. Hindi niya alam ang pinagsasabi nito at bukod pa sa natatakot na siya rito.

"B-bakit mo finorward sa akin?" Halos mangiyakngiyak na ito. "Bakit sa akin...?"

Her breath caught in her throat. Tinipon niya ang lakas at sinikap itong itulak palayo.

Humampas ito sa blackboard nang makawala siya rito. Ngunit nawalan siya ng balanse at natumba siya sa sahig. Ni hindi nag-abalang tulungan siya ng ilang mga kaklase niyang naroon. Ang ilan ay nagmamadaling lumabas ng classroom.

Humihingal na humakbang sa tapat niya si Marco. Nakaangat ang taas-babang mga balikat.

Sinikap niyang tumayo ngunit pinanghihinaan siya ng laman sa takot. Hindi niya kayang isipin kung ano ang posibleng gawin nito sa kanya. "Ano'ng probema mo? It's just a fucking chain letter."

Paluhod na bumagsak ito sa sahig. Nakayukong napahagulgol. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Julia?"

Naguguluhang napatitig siya rito. Hindi niya alam kung ano'ng ibig ipakahulugan ng tanong nito. Bahagyang nawala ang panic niya nang makita niya ang takot at pagka-helpless nito.

"Layuan mo ako."

Nag-angat ng mukha sa kanya si Marco. Basa ng naghalong pawis at luha ang mukha nito. "Ipinasa ko ang chain letter kay Vanessa no'ng una kong ma-receive 'yon. No'ng una'y akala ko'y kalokohan lang—" Napatid ang boses nito. "The next day she was dead. Tapos si Vanessa... siguro'y natanggap din niya chain letter. Ngayo'y bumalik sa akin. It found me again..."

Nang ma-receive niya ang chain letter kagabi ay hindi niya iyon pinaniwalaan. Pero may bahagi ng pagkatao niya na hindi rin iyon gustong i-ignore. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Basta ginawa niya. Nahanap niya ang e-mail ni Marco na unang nag-forward niyon kay Vanessa. She forwarded it to him. 

Pero bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito na para bang buhay at kamatayan nito ang nakataya. 

"Kung naniniwala ka pala sa kataranduhang 'yan, bakit hindi mo ipasa?" Sinikap niyang tumayo.

Chain LetterWhere stories live. Discover now