Chapter Five

1.1K 62 4
                                    



LABIS  na nagtataka si Jessica kung bakit nakatanggap siya sa pagkakataong iyon ng forwarded e-mail mula kay Vanessa. Sino ang nagbukas ng e-mail account nito?

Napatakip siya ng bibig nang bumungad sa kanya ang laman ng e-mail nang buksan niya iyon. Bumungad sa kanya ang larawan ni Karina Ramos noong nang mag-bigti ito.

At sa ibaba ng larawan ay nakasulat sa pulang mga letra ang ganito:

THERE WAS A STUDENT AT NORTH HILL ACADEMY NAMED KARINA RAMOS. SHE WAS A NOBODY. AN OUTCAST. EVERYONE AT SCHOOL HATED HER. THEY ALL MADE FUN OF HER. THEY BULLIED HER. ONE NIGHT, EXACTLY A YEAR AGO, SHE WAS FOUND HANGING IN HER BEDROOM. EVERYONE THOUGHT THAT SHE KILLED HERSELF. EVERYONE HAS FORGOTTEN ABOUT HER... THE GIRL THEY TORMENTED EVERYDAY AT SCHOOL. BUT SHE NEVER FORGETS.

FORWARD THIS LETTER TO JULIA RONQUILLO.

IF YOU DELETE OR IGNORE THIS MESSAGE... SHE WILL COME FOR YOU... AND SHE WILL KILL YOU!

It was a chain letter. Ngunit paanong nangyari na galing iyon kay Vanessa at kase-send lang sa kanya? Isang linggo nang patay ang bestfriend niya at walang may ibang access sa e-mail nito bukod rito.

Then it occurred to her. Someone must have hated Vanessa that much to come up with a sick joke out of the expense of her bestfriend's death.

She let out a string of curse and stared at the e-mail. Ang kaninang hindi niya maipaliwanag na kaba at takot ay napalitan ng sobrang galit. Kung sinoman ang nang-hack ng e-mail ni Vanessa at iniisip na isa iyong magandang biro ay isang malaking gago!

She quickly hit reply and typed: KINGINA MO! FUCK YOU! MAMATAY KA NA!

Sent.

Mabilis niyang pinahid ang luhang hindi niya napigilan. How could someone do this to Vanessa? Alam niyang hindi lahat ay natutuwa rito pero hindi ito deserve ng bestfriend niya.

Nag-beep muli ang tab niya. It was another e-mail from Vanessa.

Halos patiran siya ng hininga nang buksan niya niya iyon. Nakahantad sa paningingin niya ang photo ng bestfriend niya na nakaplakda sa quadrangle at naglulunoy sa dugo nito.

Tuluyan nang naiyak si Jessica. Pinagtitinginan na siya ng ilan sa library. Ibinalik niya sa bag ang tab at mabilis siyang lumabas ng library.

Nagtuloy siya sa CR. Inilapag niya ang bag niya sa malamig na marmol na lababo.

Nangibabaw sa katahimikan ang paghikbi niya. Hindi siya makapaniwala na may gagawa ng gano'n sa namapayapang kaibigan niya. Gusto niyang makausap si Billy para ikuwento rito ang nangyari. Hindi niya kayang isipin kung ano ang maaaring magawa nito kapag nalaman nito kung sino ang nasa likuran ng chain letter na iyon.

Ngunit sino ba talaga ang taong iyon?

Sinikap niyang i-compose ang sarili. Napatingin siya sa reflection niya sa malaking salamin sa harap niya.

Mabilis niyang tinuyo ang mga luha niya nang makita niyang nag-i-smudge na pala ang mascara niya. Dumukot siya sa bag niya ng Kleenex upang linisin ang palibot ng mga mata niya. Ngunit sandali siyang natigilan nang may marinig siya, almost as if someone whispered her name.

Napalingon siya paligid. Hinayon niya ng tingin ang mga nakasarang cubicle roon.

"Hello? May tao ba r'yan?"

Silence.

She crouched on her knees, scanning the row of cubicles for feet.

Wala siyang nakita.

Siya lamang ang tao roon.

Muli ay nagbalik ang kaninang hindi niya maipaliwanag na kaba. Lalo pa nang tila nakaramdam siya ng kakaibang lamig sa paligid.

Halos mapatalon siya sa gulat nang bumukas ang pinto ng CR. Nagtatakang napatingin sa kanya ang dalawang magkasamang pumasok.

Nagbaba siya ng tingin upang itago ang hitsura niya at saka niya inabot ang bag niya sa ibabaw ng lababo at saka siya pumasok sa cubicle.

Doon niya tinapos na linisin ng Kleenex ang palibot ng mga mata niya. At nang makaramdam siya ng pagkaihi ay isinabit niya sa hook sa pinto roon ang bag niya at nagbaba siya ng pantalon.

Narinig niyang nagtawanan ang magkasama. Narinig din niyang may pumihit ng gripo at ilang sandali pa'y narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng CR. Muli ay mag-isa na naman siya roon.

Muling nilukob ng katahimikan ang buong CR na ang tanging naririnig ay ang pag-ihi ni Jessica. Gusto na niyang magmadali dahil naisip niyang dumiretso na ng gymnasium.

Ngunit parang mahaba pa ang ihi niya.

Nagsimula siyang makaramdam ng pagka-uneasy nang magsimulang umandap-andap ang ilaw sa buong CR katulad kanina sa library. Naisip niya na baka may problem sa kuryente sa campus.

Matatapos na siya sa pag-ihi nang may naramdaman siya na parang may sumagi sa ibabaw ng ulo niya mula sa itaas.

Napatingala siya upang alamin iyon.

Then her chilling scream filled the CR.

Natumba siya sa malamig at maruming tiled floor nang sikapin niyang tumakbo palabas ng cubicle. Hindi niya naiangat ang pantalon niya't maging ang panty niya.

Bumungad sa itaas niya ang nakabigting bangkay ni Karina Ramos nan aka-dangle sa kisame. Nakayukong nakatingin ito sa kanya. Nakangiti sa kanya.

Walang patid ang tili ni Jessica.

Lalo pang lumakas ang tili niya nang lamunin ng dilim ang buong C.R.

Sa nanginginig niyang mga tuhod at sa matinding panlalambot na nararamdaman ay sinikap niyang tumayo habang inaangat ang kanyang pantalon. Basa na ng malamig na pawis ang buong mukha niya at tila kinakapos siya ng paghinga.

Nang sa wakas ay makatayo siya ay saka muling nagliwanag sa buong CR.

Wala ang bangkay ni Karina Ramos kung saan niya ito nakita.

Bigla ay hindi siya sigurado kung nakita nga ba niya talaga ang nakita niya o pinaglaruan lamang siya ng kanyang mga mata? Ilang araw na rin na hindi kumpleto ang tulog niya.

Inabot niya ang bag niya sa pagkakasabit at mabilis siyang lumabas ng cubicle.

Ngunit ang bumungad sa paningin niya sa malaking salamin sa lababo ay nagpagupo sa mga tuhod niya. Kung hindi siya nakakapit sa pinto ng cubicle ay baka napaluhod siya sa sahig.

KARINA ANAK NG MANGKUKULAM!

Nakasulat ang salitang iyon sa salamin gamit ang pulang lipstick.

"Oh, god, no..." iyak ni Jessica na tila maiihi siyang muli.

Chain LetterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz