Chapter Twenty

493 30 0
                                    



MARAMING mga araw na walang entry sa journal nito si Karina. Ngunit ang mga araw na meron ay puro paglalahad nito ng damdamin sa lalaking hinahangaan.

Monday

He asked me out! Hindi ako makapaniwala! He actually asked me out! May mga planeta bang naka-align ngayon at mabait sa akin ang universe?

Shit. Ano ang isusuot ko?

Tuesday

This is by far the happiest day of my life.

We kissed. Yes! We fucking kissed. 

Parang too good to be true.

Ang saya-saya ko lang.

I only wish it did not end.

Wednesday

I was loss for words.

It felt like we were leaving the world behind...

I gave my virginity to him.

Hindi ko pagsisihan ang gabing ito.

Isinara ni Julia ang journal nang humudyat ang bell bilang pagwawakas ng klase. Napatingin siya sa wristwatch upang alamin kung bukas pa ang cafeteria. Doon niya napagpasiyahan na ipagpatuloy ang pagbabasa sa journal ni Karina habang naghihintay sa susunod niyang klase.

Habang ipinupuwesto niya ang kanyang sarili sa mesa sa dulong bahagi ng cafeteria ay napapaisip siya kung sino sa campus ang tinutukoy ni Karina sa journal nito. May nangyari sa mga ito noong gabing iyon. First time iyon ni Karina. Ngunit hindi pa rin nito nagbabanggit ang pangalan ng lalaki.

Tiyak niyang isa lamang sa guys sa campus. Naging sila kaya ng guy? 

Sa unang pagkakataon ay doon naging desidido si Julia na subukang hanapin sa Facebook ang account ni Karina Ramos. Hindi niya gustong gawin iyon noon dahil hindi niya gustong magkamukha ang multo sa isipan niya. 

She searched for her account using her cell phone.

At gaya ng inasahan niya, maraming kapareho ng pangalan nito ang lumabas. She tried browsing a few names. Umaasa na isa mga pangalan doon ay nag-aral sa North Hill Academy.

Matapos ang mahabang paghahanap ay may isang profile photo ng isang Karina Ramos ang nakatawag ng pansin niya. Her profile photo was just all black.

Nang buksan niya iyon ay mga salitang 'Remembering Karina Ramos' sa itaas na bahagi ng pangalan nito. Iyon na kaya ang Facebook account nito?

Naka-set sa private ang account. Wala itong anumang larawan doon na mapagkakakilanlan niya kay Karina. 

Ang sabi ng iba'y campus weirdo ito. Ngunit paanong ang sinasabi nitong pinakaguwapong guy sa campus ay nagkagusto rito? She wondered what she looked like. 

Napatunayan niya na iyon nga ang account ni Karina nang makita niya na meron silang apat na mutual friends. Bumulaga sa screen ng cell phone niya ang mga Facebook account nang i-click niya ang mutual friends nila: sina Billy, Vanessa, Jessica, at Joshua.

Biglang may kung anong tila malamig na hangin ang humaplos sa batok niya at nanindig ang mga balahibo niya. Tatlo sa mutual friends nila ni Karina ay mga patay na. Si Joshua na lamang natitirang buhay sa mga iyon.

She clicked Josua's account and DM him.

Hey, Josh. I hope everything is alright. Please FB call me if you have time, okay? May importante akong sasabihin. Thanks and ingat ka palagi.

Chain Letterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें