Chapter Twenty One

624 32 0
                                    


HINDI ako umiyak noong mamatay si papa. I was tough as nails. Hindi ako umiyak noon sa campus kahit anong pambu-bully ang gawin nila sa akin.

Ngayon lang.

Wala akong pakialam kahit naririnig nila akong umiiyak sa CR. Hindi ko kaya ito.

Ang sakit-sakit. 

Sobra.

I will make them pay.

Inabot ni Julia ang mug ng kape sa end table at hinigop ang malamig na niyang kape. Pasado alas onse na ng gabi ngunit naroon pa rin siya sa ibabaw ng kama niya, naka-indian seat habang nakapaibabaw sa kandungan ang binabasang journal ni Karina.

Hindi niya magawang bitiwan iyon kahit na malinaw pa niyang naririnig sa isip ang babala ni Bettina.

She felt like she wanted to know more about Karina. Ang bawat salita nito ay pagsilip sa nakaraan nito na hindi niya pa gustong iwan.

Karina was bullied in high school. At kabilang na ang mga kaibigan niya sa mga nam-bully rito noon. Did these people drive her to suicide?

She was also in loved. Then got her heart broken.

Posibleng iyon din kaya ang dahilan?

Thursday

It wasn't your fault.

I know you did not realize what you've done.

Friday

I just need it to stop following me.

Monday

I won't kill my self as long as he will smile at me today.

Inihinto ni Julia ang pagbabasa. Napabuga siya ng hininga. Hindi niya maipaliwanag ang bigat sa dibdib na bigla niyang naramdaman. Para sa kanya ay hindi deserved ni Karina ang nangyari dito.

She loved him.

He was her first.

"Sino siya, Karina?" naisatinig niyang tanong. Napasandal siya sa headboard at ipinahinga roon and ulo nang makaramdam siya ng antok. Her tired eyes started to close slowly habang sa isipan ay tinatanong kung sino ang lalaki sa journal ni Karina.

Hustong pagpikit ng kanyang mga mata ay tila isang dating alaala ang naglarong muli sa isip niya. Sa isip niya'y nasa katauhan siya ni Karina. Malinaw niyang nakikita ang paligid niya. Naririnig niya ang mabibilis na yabag ng mga paa niya sa tabla na sahig sa corridor ng campus. Nagmamadali siya sa susunod na klase at abalang ipinapasok sa bagpack ang black book niya.

She did not see him in the hallway.

Bumunggo siya rito.

At sa unang pagkakataon ay naging malapitan siya rito.

It was a moment.

Sinubukan niyang tingnan ang mukha nito but all she saw was a blur. Isang bulto na parang anino ng tao na nakatayo lamang sa harapan niya.

Sino ka? tanong niya rito.

Napaigtad si Julia nang bigla siyang magising nang maulinigan niyang nagri-ring ang cell phone niya. Hindi niya namalayang nakaidlip pala siya.

Mabilis na tumayo siya at inabot sa ibabaw ng chest of drawer ang cell phone.

Parang lumukso ang puso niya nang makita niya sa screen ang pangalan ni Joshua. Nagbi-video call ito sa kanya.

Chain LetterWhere stories live. Discover now