Chapter Six

1.2K 64 18
                                    



NAPATAKIP ng bibig si Jessica nang maalala niya na siya ang nagsulat niyon sa salamin noong isang taon. Sinikap niyang takbuhin ang pinto ng banyo palabas. Ngunit hindi bumubukas iyon kahit anong pihit niya.

Overhead, the lights started to flicker again. She started to panic. Pinaghahampas niya ang pinto baka sakaling may makarinig sa kanya mula sa labas.

"Buksan ni'yo 'to!" hiyaw niya. Noon lamang siya natakot ng ganoon sa buhong buhay niya. "Tulungan ni'yo 'ko please! Please! Parang awa ni'yo na tulungan ni'yo 'ko—" Halos patiran siya ng hininga nang makaramdam siya ng kamay sa ibabaw ng balikat niya; feeling, crawling.

"Josh! Josh!" Paulit-ulit na tinawag niya ang boyfriend. Hindi lumilingon. Hindi siya handa sa makikita niya. Pinaghahampas niya ang pinto habang ang isang kamay ay hindi malaman kung paano pipihitin ang knob.

Ramdam niya ang malamig na kamay na umaakyat sa leeg niya. She felt all the hair on her neck prickled as the sound of distant breathing reached her ear.

"Tulungan ni'yo ako parang awa n'yo na!" Namaos na siya sa kasisigaw habang umiiyak. Hanggang sa nawala ang nakakapit sa kanya maging ang mga paghinga sa likuran niya.

Bumalik sa normal ang mga ilaw sa banyo.

She shut her eyes tight. Rinig niya ang mabilis na tibok ng puso niya at ang paghahabol niya ng hininga. Sa sandaling iyon ay biglang nagbalik sa alaala niya noong dalhin si Vanessa sa clinic. Ngayon ay alam na niya kung bakit takot na takot ito.

"Nandito siya..."

Natatandaan niya ang sinabing iyon ni Vanessa na para bang bumulong sa tainga niya.

Muli siyang naiyak sa takot.

Sinikap niyang muli na pihitin ang knob. At gayon na lamang pasasalamat niya sa diyos nang sa wakas ay bumukas iyon.

May kadiliman na sa buong hallway. Nagtataka siya dahil anong oras pa lamang ba?

Sa pagitan ng mabibilis na hakbang patungo sa hagdan pababa ay kinapa niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang cell phone niya.

Pasado alas nuebe na!

Imposible iyon.

Paanong nangyari na mahigit dalawang oras ang lumipas simula nang mag-CR siya?

Sa nanginginig na kamay ay dinayal niya ang number ni Joshua.

Cannot be reached ang number nito.

"Oh, my god, please, Josh," iyak niya.

Nakaagapay sa malamig na bakal na barandilla ng hagdan pababa si Jessica habang nagmamadali siyang bumaba at habang sinisikap na makontak si Joshua.

Nakaiilang tawag na siya'y hindi pa rin ito makontak. Napatigil siya sandali nang mapagtanto niyang tila ba kanina pa siya tumatakbo pababa sa hagdan ngunit hindi pa rin siya nakararating sa first floor. Tila ba paulit-ulit lang siyang bumabalik sa hagdan at walang katapusan iyon.

"Oh, god, please help me," nanginginig na dasal niya. She felt helpless and terrified. Gusto niyang isipin na isa lamang iyong masamang panaginip. Isang bangungot. At na anumang sandali ay magigising siya sa kuwarto niya.

Ngunit totoong naroon siya. Ramdam niya ang malamig na pawis na humihilamos sa buong mukha niya.

Ramdan niya ang takot sa bawat hibla ng laman niya.

Binilisan pa niya ang kanyang hakbang pababa ng hagdan. Each step faster than the next.

Hanggang sa wakas ay nakarating siya sa first floor na tila dininig ang paghingi niya ng tulong. Mabilis na lumabas siya sa quadrangle.

Ngunit sandaling nagbagal siya nang tumunog ang cell phone niya. Naisip niyang baka si Joshua na iyon.

Ngunit hindi sa boyfriend niya galing ang text message. Galing iyon Karina Ramos na kung paanong naka-register ang pangalan nito sa cell phone niya ay hindi niya alam.

LATER AFTER JESSICA MALLARI IGNORED THE CHAIN LETTER

SHE GOT RUN OVER BUY A TRUCK

Napatakip ang isang kamay nito sa bibig niya nang maiyak siya. Ida-dial na sana niyang muli ang number ni Joshua nang may pumatak na dugo sa sceen ng cell phone niya mula sa taas.

Iglap siyang napatingala.

Napasigaw siya.

Nakita niyang may nahulog mula sa itaas sa mismong harapan niya. Rinig niya ang marahas na paghampas ng katawan nito sa semento maging ang paglagatukan ng mga buto nitong nabali.

Sigaw siya nang sigaw nang makilala niya ang bangkay sa mismong harap niya.

Ang madalas niyang panaginipan sa gabi na sinapit ni Vanessa ay nakabalandra sa paningin niya. Umulit sa harap niya ang nangyari dito.

Napatid ang sigaw niya nang may kumapit sa balikat niya.

"Miss, okay ka lang?" natatakang tanong ng security guard.

Hindi siya nakapagsalita. Nang magbalik siya ng tingin sa harap niya ay wala na roon ang bangkay ni Vanessa.

Saka lang niya napagtanto na may ilang mga estudyante pa sa campus na pauwi ang pinagtitinginan siya na para bang nababaliw na siya.

Inignora niya ang guard at tumakbo tungo sa entrance hanggang palas sa campus building.

Ang ilan mga estudyante roon na nakatambay sa waiting shed ay pinagtitinginan siya. Kalat sa mukha niya ang nag-run na mascara niya at hindi pa niya maayos na naisasara ang jeans niya. Wala rin sa ayos ang buhok niya.

Nanginginig pa rin siya. Pakiramdam niya'y umaalog ang kinatatayuan niya. Ang gusto na lamang niya ay ang umuwi na sa kanila at yakapin ang mommy't daddy niya.

"Babe!"

Iglap na hinanap niya ng tingin ang kilala niyang boses na iyon. Nakita niyang naka-park si Joshua sa kabilang kalsada na kaagad namang bumaba ng kotse nito nang makita siya. Kanina pa ito roon at nag-aabang sa kanya?

Hindi na niya hinintay pa na si Joshua ang magtungo sa kanya. Nagmamadaling tumawid siya upang puntahan ito.

Ngunit natigilan siya gitna ng kalsada na tila ba itinulos siya roon. Alam niyang kailangan niyang puntahan si Joshua ngunit para bang hindi na niya gustong humakbang pa. Walang lakas ang mga binti niya.

Nag-angat siya ng kamay sa paningin dahil sa nakasisilaw na liwanag na tumama sa kanya. Mula iyon sa humaharurot na truck patungo sa direksyon niya.

Bigla niyang naalala ang text message—telling how she would die.

Nilingon ni Jessica si Joshua nang marinig niyang isinigaw nito ang pangalan niya. 

Chain LetterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora