Chapter Ten

789 48 1
                                    



PASADO alas onse na ng gabi nang makauwi si Julia sa kanila. Ang akala niya'y kapag nakapaligo na siya'y dadalawin na siya ng antok. She flopped herself back onto her bed in a passive drop. May ilang sandali na nakatitig lamang siya sa kisame. Pakiramdam niya'y pagod na pagod na ang katawan niya ngunit ang isip niya'y hindi niya magawang ipahinga. Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang lahat. Halos wala pang dalawang linggo, dalawang kaibigan niya ang pinaglamayan.

Bigla niyang naisip si Joshua sa burol kanina. Hindi maalis sa isip niya ang malungkot na guwapong mukha nito. Sa kanilang tatlo ay ito ang mas labis na nagluluksa. Walang salita siyang maisip kanina para mabawasan ang dinadala nito. Hindi rin sila masyadong nakausap. Walang pagkakataon.

Tumunog ang cell phone ni Julia at sandaling nawala siya sa tinatakbo ng isip. Hindi umaalis sa puwestong inabot niya ang cell phone na nakapatong sa ibabaw ng end table sa gilid ng kama.

May e-mail notiication siyang na-receive. Binuksan niya iyon sa phone.

Kung may kung anong kabog siyang naramdaman sa dibdib niya. It was a forwarded e-mail from Jessica.

Doon siya napaangat mula sa pagkakahiga. Umupo siya sa dulo ng kama at ineksamen ang nilalaman ng e-mail. Nagtataka siya kung paanong naka-receive siya ng e-mail mula kay Jessica.

Pinanayuan siya ng mga balahibo sa batok nang bumungad sa cell phone screen ang picture ng isang babaeng nakabigti. She scrolled down and started to read a long message.

THERE WAS A STUDENT AT NORTH HILL ACADEMY NAMED KARINA RAMOS...

It took her a few seconds to process that she was reading a chain letter. Tapos ay sikap niyang hinahagip sa isipan kung saan nga ba niya unang narinig ang pangalan ni Karina Ramos. 

Then she remembered.

It was that night...

Noon iyong gabi na nasa bahay sila nina Vanessa. It was right after the party na nago-ghost storytelling si Joshua.

Ang gabi bago magpakamatay si Vanessa.

"Alam ni'yo ba kung anong araw ngayon? Ngayon 'yong saktong araw noong mamatay si Karina Ramos last year."

Natatandaan niyang si Jessica ang unang nagbanggit ng pangalan nito.

At saka doon din niya naalala ang sinabi ni Marco Sadoval.

"'Yong e-mail. Naka-receive ka rin ba?"

Agad-agad siyang tumayo at binuksan ang laptop niya sa kanyang study table. Gusto niyang matiyak kung iyon ang chain letter na tinutukoy nito.

"Oh, god..." napasinghap siya nang ma-realize niya na noong mismong araw at sandaling iyon lamang ipinadala ang forwarded e-mail na iyon.

Pero paanong nangyari iyon?

May ilang sandaling nablangko ang isip niya.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin.

Gusto niyang tawagan si Joshua noong sandaling iyon upang itanong rito kung sino ang may iba pang access sa e-mail ni Jessica.  But she realized it was not the good time for it.

Bigla niyang naalalang muli ang sinabi ni Marco. "Ako ang unang nag-forward ng chain letter kay Vanessa. Akala ko'y wala-wala lang 'yon. But then the next day... she died."

Siya ang pang-apat na pinag-forward-an ng e-mail.

FORWARD THIS LETTER TO MARCO SANDOVAL.

IF YOU DELETE OR IGNORE THIS MESSAGE...

SHE WILL COME FOR YOU... AND SHE WILL KILL YOU!

Ini-off niya ang laptop at napasandal siya sa upuan. Fear crept up her spine. Ang kamay niya'y tila na-freeze na sa ibabaw ng mouse. Her mind simply refused to process the information and she was left gaping at the laptop monitor. Her reflection on the screen looked stretched and distorted.

Pagkatapos ay tila tinig na muling bumulong sa kanya ang sinabi pa ni Marco nang maalala niya iyon. 

"Don't ignore it. Or she will come to you."

Chain LetterWhere stories live. Discover now