Strangely New

437K 9.9K 5.8K
                                    

BOOK STATUS: Completed, but unedited.
(A "better" version of Alpha Omega is coming soon!)

(A "better" version of Alpha Omega is coming soon!)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Cesia's POV

"You do not need to chase true love... it finds you.. when you're ready."

Binasa ko ang nakalagay sa blackboard. Sinulat ko ito kanina bilang sagot sa tanong sa manila paper.

Topic kasi ng klase ang true love. Naabutan nga lang ng pag gising ni Cronus kaya ayan. Lahat ng mga estudyante at guro nakapause lang na parang nasa isang movie.

"Cesia? Tapos na ako sa designated area ko." narinig ko ang boses ni Thea kaya napalingon ako.

Panlimang eskwelahan na namin 'to. Chinicheck lang namin kung may mga nilalang bang nakitira sa mga publikong lugar.

Binalik ko ang chalk sa lalagyan nito at sinundan si Ria papalabas ng eskwelahan.

Nakita ko yung dalawa na naghihintay na sa van kaya nginitian ko sila.

I don't know. Pagkatapos ng pagtigil ng oras, panay na yung mga ngiti ko. I guess ito yung paraan ko para i cheer up ang whole team.

Pati ang sarili ko.

Since wala na ang source of energy namin.

Gusto kong maramdaman nila na andito parin kami para sa isa't-isa.

"What's taking so long? Tara na!" inip na sambit ni Ria na nakaupo na pala sa driver's seat.

Tumango kami at sinunod ang sinabi niya.

Mayamaya, nakatingin na ako sa labas ng bintana. Umuulan na naman kasi. Napaisip tuloy ako sa lalaking katabi ko noon sa mismong kinauupuan ko.

Kaya ba favorite spot kong umupo dito?

Nagraracing pa rin ang bawat droplet. Pero hindi na ako manonood sa paligsahan nila.

Makikinig nalang ako sa ingay mula sa labas.

"Teka. Ba't nga ba umuulan?" nagtatakang tanong ni Thea.

Kumunot ang noo ko. Useless na ang weather sa sitwasyong ito. Wala ngang mga ulap na present sa langit ngayon eh... supposed to be...

Unless... di kaya siya ang may kapakanan nito?

"It's Trev." maikling sagot ni Kara.

Napabuntong-hininga ako pagkatapos marinig ang pangalan niya.

It's almost a month now at hindi pa namin sila nakikita. Kami lang, girls, ang umuuwi sa Academy.

Medyo busy sila.

"Namimiss ko na si bebe Seht ko... hahaayy.." bulong ni Thea.

Tumingala ako sa constellation na nasa taas. Ang virgo na ang nagsisilbing araw ngayon. Asan nga ba ang araw? Nagtatago sa gabing bahagi ng mundo.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now