Prayers

137K 5.7K 1.7K
                                    

Thea's POV

Lumabas ako ng ceremonial hall at dumiretso sa mechanical room ng Academy. Wala si Bo kaya binuksan ko ang hidden chamber.

Kung bakit nandito ang larawan namin ni mama hanggang ngayon, ay wala pa rin akong ideya.

Basta ang alam ko lang, office ito ni Theosese noon. Dahil nandito ang mga papeles kung saan nakalagay ang pangalan niya.

Saka. May natagpuan rin akong cut-out na picture ng lola ko. Kinuha ko ito saka tinignan. Sa likod ay may nakasulat.

'Senior Matilda Yvenne Reyes of the Beta Class, Daughter of Iaso.'

Bumagsak ako sa upuan at napabuntong-hininga. Ano ba talaga ang koneksyon ng Theosese na 'yan sa pamilya ko?

Napatingin ako sa clay figure ni Pandora sa harap ko. Sa tabi nito ay ang nakabuklat na libro. Nakasulat doon ang kwento ni Pandora.

Kinuha ko ito at binasa ang nilalaman. Pangatlong beses ko ng binasa ito pero wala talaga.

'Titan Prometheus was once assigned the task of creating the race of man but he stole fire from heaven causing Zeus to be angered. He commanded Hephaestus to create the first woman, Pandora which the other gods endowed with the gifts of beauty and cunning. She was given to Prometheus' younger brother, Epimetheus to become his bride. Then Zeus gave Pandora a jar as a wedding gift only for her to open releasing the evil spirits that are to plague mankind. Only Elpis or Hope, remained behind, a single blessing to ease mankind's sufferings.'

Sinubsob ko ang mukha ko sa libro. "Ugh."

Sinara ko ang libro at ibabalik sana ito sa bookshelf nang nahulog ang isang papel na nakaipit mula dito. Pinulot ko ito at nakita ang ilang patak ng natuyong dugo.

'Her name is Adelphine.'

Binasa ko ang nakasulat.

Tinitigan ko lang ang papel nang pumasok sa utak ko ang isang ideya.

Kinuha ko lahat ng libro na nasa bookshelf at tinignan kung may nakaipit pa na mga papel.

Isang oras ang ginulgol ko at ang daming mga papel sa paanan ko ngayon. Halos lahat ay magkapareho ng handwriting kaya alam kong isang tao lang ang nagsulat ng mga ito.

"Thea?" narinig ko ang boses ni Seht kaya napahinto ako.

Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng entrance. Halatang nagtaka siya kung bakit niya ako nakita na ganito at nandito.

"teka.. paano ka nakapasok eh nilock ko yung-" puta. Nakalimutan ko nga palang ilock yung pinto.

"Is this why the doors were locked for the past few days?" tanong niya. Nagbuntong-hininga siya bago tuluyang pumasok.

"S-sorry..." yumuko ako. "Eh kasi business ko lang 'to saka... alam ko namang marami kayong ginagawa." pagpapaliwanag ko.

Inangat niya ang ulo ko saka binigyan ako ng nakakaintinding ngiti. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatingin sa repleksyon ng kandila sa mga mata niya. Mas lumiwanag ang mga ito dahil sa apoy.

"Your business is my business." giit niya bago ginulo ang buhok ko.

"Sige na nga." sagot ko. "Pulutin mo muna yang mga papel na'yan."

"So... umm..." nagkamot siya ng ulo. "mind telling me what's up?"

Inayos ko muna ang mga papel bago sinagot ang katanungan niya. Napabuntong-hininga ako nang makitang nag-aantay siya sa susunod na sasabihin ko.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now