Desperate Measure

127K 5.7K 1.3K
                                    

Thea's POV

Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Kung saan-saang lupalop ng mundo lumutang yung utak ko. Kung bakit ganito. Paano siya nagkaganyan. Bakit siya lang. Ano bang kailangan namin para bumalik na siya sa dati.

Pagdating ni Doc, nasagot ang mga katanungan ko maliban sa panghuli.

"I have my diagnosis." may sinusulat siya sa mga papeles na bitbit niya. "His body is having its own war inside him."

Tinignan ko si Seht na nakahiga. Nasa loob siya ng fireproof na cover kasama ako. Kaya ko naman siyang mahawakan dahil immune ako sa apoy.

Nasa labas naman ng cover ang Alphas... ala kong naaawa sila sa sitwasyon ko ngayon base sa mga tingin nila.

"His body is divided. Turns out, hindi pa nakapili ng dominant ability ang katawan niya dahil demigod siya. To choose the ability he gained which is fire, or his natural ability, light." pagpapaliwanag ni Doc.

Napabuntong-hininga ako saka tinignan ulit si Seht.
Pinagpapawisan siya... at nakikita ko sa mukha niya na nasasaktan siya. Ewan pero nalulungkot ako kasi wala akong magawa para sa kanya. Kahit mabawasan lang ang sakit na dinaramdam niya.

"But he's still dying..." mahina ang pagkasabi ni Doc pero rinig na rinig ko.

Pakiramdam ko ako yung mamamatay pagkatapos marinig ang sinabi niya.

"and there's no cure... I'm sorry Alphas. He has to fight alone." huling sabi ni Doc bago lumabas.

Tuluyan na ngang nasira ang pag-asa na iniipon ko. Kasabay ng pagbagsak ng mundo sa balikat ko ay ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ko.

Ayoko na.

Alam kong papagalitan ako ni Seht kapag nakikita niya akong umiiyak. Pero paano niya ako mapapagalitan kung hindi siya gigising diyan.

Ibinaon ko ang mukha ko sa tabi niya. Ayoko ring makita ako nila na umiiyak. Atleast hindi kaharap.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya inangat ko ang ulo ko at nakita si Cesia na nakaupo mag-isa.

"Samahan mo sila Thea..." sabi niya.

"B-bakit?" Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Saan sila pupunta?"

"Naghahanap ng paraan para matulungan si Seht. Nasa dungeon na sila ngayon para kausapin si Medea." sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"A-ano?" agad akong tumayo. Baka anong gawin ni Medea sa kanila kapag sinubukan nilang makipag-usap sa witch na 'yon.

Tumango si Cesia. "Thea. Kilala ko sila. Gagawin nila ang lahat wag lang tayo mawalan ng.." yumuko siya kaya nakatitig na siya ngayon sa sahig.

"...isa pang Alpha."

•••

Bumaba ako sa hagdan at nakita ko nga sila sa dulo ng hallway kaya pinuntahan ko sila. Deep purple ang kulay ng mga pader. Isang cell lang ang may laman na bilanggo.

"Sinasabi nyo bang ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanya?" inis na tanong ni Medea.

Bumalik na naman ang nakakakilabot niyang aura.

Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding galit dahil naaalala ko ang ginawa niya kay Seht.

"Wala kaming sinabing-" hindi natapos ni Dio ang pangungusap niya dahil biglang humalakhak si Medea.
"so you're here because you have no choice now but to consult an ancient sorceress. Paano niyo naman sisiguraduhin na hindi ko lalasunin yang kaibigan nyo?" tawang-tawa ang gurang dahilan na mainis ako.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon