Stronghold

122K 6.5K 2.4K
                                    

Thea's POV

"No time to cry warrior." narinig ko ang boses ng isang babae.

Tinulungan niya akong tumayo. Pero agad rin akong nawalan ng balanse

Akala ko mapoprotektahan ko siya...

Hinayaan kong tumulo ang mga luha. Malay ko ba kung nag aaksaya ako ng oras eh patay na yung kapatid ko... at wala akong nagawa.

Paulit-ulit nalang.

"Your sister is safe with me, Thea. You have nothing to worry about."

Tumingala ako at tinignan ang babaeng nakatingin rin sa'kin. Saktong nag-align ang buwan sa ulo niya.

Teka.

Kailan pa nagkaroon ng buwan?

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

"Promise me, demigod." seryoso niyang tugon. "You will fight."

Kinuha niya ang kamay ko.. saka pinatong ang weapon ko. "You will not fight for the Gods."

Nag abot ang kilay ko. Anong ibig niyang sabihin?

"You will fight for the rest of the world." at nawala na nga siya ng tuluyan.

Argh. Ang sakit ng likod ko. Pakiramdam ko may nabali akong buto eh.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nung una, nasilawan ako dahil sa liwanag. Pero may napansin akong lumilipad papalapit sa'kin.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko.

Tama ba 'tong nakikita ko?


Ria's POV

The moon was back.

And it brought back something else.

Ito ba ang tinutukoy ni Harmonia na hindi namin inaasahang mangyayari?

Sinundan ko ng tingin ang babaeng bumaba mula sa hippogriff, which I recall, ay nagngangalang Blobblebutt.

I should feel happy... pero wag muna ngayon.

"ah... we have a visitor." narinig naming sabi ni Eris. Just then, a mysterious mist surrounded the whole place. Hinanap ko si Kara na nawala na sa harap ni Eris.

What the hell is happening.

Nagulat ako nang may humila sa kamay ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko kasama yung iba.

Just imagine how shocked I was too when I saw Dio pulling out the knife from Kara's neck.

Again, WHAT THE HELL IS HAPPENING?!

Sabay kaming napatingin sa direksyon ni Eris. Hindi na namin siya makita dahil sa makapal na mist.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Shh." sinenyasan kami ni Art na wag mag-ingay.

Nag antay kami na may mangyari. What followed was silence... at ang boses ni Eris na nag e-echo sa buong lugar.

After a few seconds, the fog surrounded us. Mind you, this is more terrifying than what I have expected.

Bumigat na naman ang dibdib ko. Akala ko mawawalan na naman ako ng hangin dahil narinig ko ang boses ni Eris commanding me not to breathe again.

Pero walang nangyari.

Instead, a faint voice is pushing me to breathe.

and I'm not stupid to not recognize that sweet voice.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon