Sudden News

138K 6.5K 5.2K
                                    

Thea's POV

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa.

TANGINA HAHAHA. Anong pinakain ng Chase na'yan at bakit hindi gumagalaw si Ria. Ginayuma ata.

Bakas sa mukha ni Ria ang inis pero hindi niya sinusubukang tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ni Chase.

Si Chase naman, tumatango-tango habang nakikinig sa dalawang leaders ng Gamma.

Nasa isa sa tents kasi kami ngayon kung saan makikita ang mapa ng buong Pilipinas. May nakacrossed out na ibig sabihin ay nalinis na.

Yung problema nga lang, yung mga nakapaligid na lugar. Baka mag migrate yung ibang nilalang at bumalik ulit sila sa nalinis na mga areas.

"Eh yung mga tao ba.. hindi ba nila inaano?" tanong ni Cesia.

"Well... that's the surprising thing actually dahil hindi nila ginagalaw ang mga mortal na tao." sagot ni Ice.

Hmm. Siguro wala pang binibigay na command ang mga rebel deities. Pero alam kong sa oras na may gagawin sila sa mga tao, magkakagulo na lahat.

Mapipilitan ang mga Olympians na mag make move bago pa maubos nila lahat ng tao sa mundo.

"Pero.. kinakain nila lahat ng mga pagkain sa grocery stores... sinusuot ang mga damit sa mga boutiques..." dagdag ni Rosie.

"well atleast they don't eat the people." ani Kara habang sinusuri ang mga papeles na nakalatag sa mesa.

"not yet." dugtong ni Dio.

Ngayon ko lang napansin na basang-basa pa ang buhok ng dalawa.

Napatingin ako kay Trev na seryosong nakatingin sa nakalahad na mapa sa harap.

Ba't ba ang tahimik nyan? Ngayon lang ako nakakakita ng leader na ang tahimik. Jusko. Kung magsasalita man siya, mga dalawa o tatlong salita lang.

Pero nahahalata ko rin eh kung paano niya tinatrato si Cesia. Pinagpalaan talaga ang dalawang 'to. A match made from heaven. Charot.

"Hey.." tumabi sa'kin si Seht.

Ha. Bahala na. May pambato rin naman ako oh. Pak. Ang paborito kong doktor.

"Yooo.." nilingon ko siya.

"I think I forgot my blanket." muntik na akong mabulunan ng hangin sa sinabi niya.

Ano nga ba si Seht kung wala ako.

"Yung mga pagong ba?" tinanguan niya ang tanong ko.

"Nasa bag ko." nginitian ko siya.

Mas mahalaga pa siguro yung blanket niya kesa sa weapon niya. Ang tanda-tanda na ng gagong 'to pero nangagailangan pa rin ng yaya.

"Thank you..." ginantihan niya ako ng malapad na ngiti.

Malaki ang pasasalamat ko kay Apollo at nagawa pa niya itong si Seht kahit alam kong ang busy ng schedule niya bilang God.

"My enchanted watch says it's night time already. I'll reserve plates for you guys. You can go back to your tent." kinuha nila Ice at Rosie ang mapa.

Nagpaalam na kami sa kanila bago bumalik sa tent namin.

Nakita kong hindi na magkahawak ang kamay ng dalawang ewan. Nakita ko rin ang dagger na hawak hawak ni Ria sa kabilang kamay niya.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now