SC: Reminisce

142K 6.3K 11K
                                    

Elysian Oracle's POV

Nginitian ko si Claire, isang demigod na anak ni Achelois, a minor goddess of the moon. Pumipitas siya ng mga herbs at bulaklak saka niya ito nilagay sa basket niya.

May gagawin nga pala kaming healing potion mamaya para sa lalaking 'yun.

Nagpout ako.

Eh kasi antagal naman niyang magising! Ilang araw na ba siyang tulog? Aba malay ko! Hindi uso ang panahon dito sa Elysium!

"Iniisip mo siya ano? Yiieee!" tinignan ko si Claire na tinutukso ako.

Binelatan ko siya.

"OA mo!" kinurot niya ang pisngi ko dahilan na mapa-aray ako. "Tara na nga! Lagyan ulit natin ng gamot yung mga sugat niya." kinuha niya ang kamay ko.

Sabay kaming bumalik sa maliit na kubo na tinitirhan ko ngayon.

Pagpasok namin, naabutan namin ang lalaki na nakahiga pa rin at hindi gumagalaw.

"Magpapainit lang ako ng tubig saglit okay?" hindi pa nga ako makasagot at nawala na siya sa harap ko.

Tinignan ko ang lalaki na wala pa ring malay hanggang ngayon. Lumuhod ako sa tabi ng hinihigaan niya at dahan-dahang hinipo ang mga sugat sa mukha niya.

"Gumising ka naman oh..." ewan pero naiiyak ako sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Tignan mo oh! Pinaiyak mo na naman ako!" tumayo ako.

"Umiiyak ka ba?" nagulat ako nang biglang pumasok si Andrei, kakambal ni Claire. Napailing nalang siya nang makita ang namumula kong ilong.

"K-kumusta na ang mga demigods?" tanong ko sa kanya.

Sabay kaming lumabas at umupo sa bench na nakatanaw sa buong field ng Elysium.

"Papunta sila ngayon sa Academy kasama ang mga refugees nila..." mahina niyang sagot.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinanap ang mga demigods sa mortal realms.

Napangiti ako nang makita ko sila.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang malaking ibon na nasa himpapawid, tila nagmamasid sa buong lugar.

Iminulat ko ang mga mata ko. "Ang haba pa ng lalakbayin nila..."

Naramdaman ko ang kamay ni Andrei sa balikat ko. "Why are you stressing over them? Dapat focused tayo sa katawan ni Cronus.. na ewan kung saang lupalop ng universe napunta..."

Nginitian ko siya. "Isa akong oracle, Andrei... at alam ko ang mga taong mahalaga.. in the future.. I think.. hihi.." napailing siya.

Nagpout ako. "Ah basta! Ang alam ko, mahalaga sila sa future... sila ang magiging heroes at heroines ng mga realms. Alam ko yun!" depensa ko.

Alam ko naman talaga eh... na ang mga demigods na 'yon ang tutulong sa mga Olympians.. ang sabi nga lang sa ikatlong propesiya, twelve.. so dapat twelve demigods.

Eh kulang pa sila.

"Nga pala, alam ko na rin kung nasaan ang katawan ni Cronus..." inangat ko ang ulo ko.

Pagdating ko dito sa Elysium, huwag niyo kong tanungin kung paano dahil di ko rin alam. So ayun na nga, pagdating ko dito, nawala na rin si Cronus.

Dapat nandito siya sa Elysium kasi dito rin ang punta niya nang mapatay siya ni Zeus. Sa elysium dapat ang resting place niya.

"Isa sa demigods ang namatay... saglit... pangalan niya ata ay Seht..." sinimulan ko na ang kuwento. "Nakita ko ang nakita niya sa underworld... nandoon ang naka chopchop- ihhhhh nakakadiri!"

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now