Pierced

126K 6.3K 2.1K
                                    

Cesia's POV

Bitbit ang tray na may mga gamot, pumasok ako sa dorm namin. Galing ako sa clinic.

Apparently, maraming huntres at amazons ang nainjure sa nangyari kanina kaya punong-puno ang clinic ngayon at wala kaming choice kundi gamutin ang mga sarili namin.

Napangiti ako.

Pero atleast nag enjoy kami diba?

"Eh kamag-anak ko si Iaso! GODDESS OF RECOVERY! Alam mo ba yun?! Wala lang talaga sa'kin-TANGINA SEHT!" inilayo ni Thea ang kamay niya mula kay Seht na sinusubukang gamutin ito.

"I'm not risking an infection." Hinatak ni Seht ang kamay niya.

Napailing nalang ako.

Meanwhile, nasa clinic naman si Ria. Siya kasi ang may pinakamaraming sugat na natamo sa'ming walo.

"Ah-nasan nga pala si Kara?" tanong ko kay Thea.

Natawa ako nang makita ang hitsura niya. Naiiyak siya dahil sa hapdi ng gamot. Panay rin ang pagmumura niya kay Seht.

"There. You're done." ani Seht.

Nakita kong nagbuntong-hininga si Thea. Tumayo siya saka pinagpag ang damit niya. "Kasama si Chase. Bumalik sila sa clinic para icheck ang kalagayan ni Ria. Pupunta na rin kami sa clinic. Tas si Dio naman, nag-order ng pagkain. "

Tumango ako.

Nilapag ko sa mesa ang tray na may gamot at umupo sa sofa. May ilang sugat rin kaya akong natamo.

"Lah. Mas malalim ata yung sugat mo ah.." puna ni Thea nang makita ang hiwa sa ibabang bahagi ng tiyan ko.

Hinipo ko ito.

Aish.

"sure ka bang ayaw mong magpatulong?" nag-aalalang tanong ni Thea.

Umiling ako at nginitian sila. "Susunod nalang ako sa inyo pagkatapos kong gamutin 'to."

Nag hesitate yung dalawa pero di ko tinanggap ang offer nila na tulungan ako. Isa lang naman 'to eh. Alam kong saglit lang 'to.

Umalis na sila kaya sinimulan ko nang linisin ang sugat ko. Tinali ko ang suot kong shirt para di ko na kailangang hawakan ang bahagi ng damit kung saan nandoon ang sugat.

Yumuko ako at tinignan ito ng maayos.

Grabe naman pala pag pinagsama-sama ang huntres at amazons. Ewan ko nalang talaga.

Nalibang nga ako sa napakaintense training namin kaso... di ko inaasahan na seryoso sila pag nasa field na.

Napakaseryoso.

Napapangiwi ako sa sakit sa tuwing nagkakaroon ng contact ang gamot sa dumudugo kong balat.

Ewan pero sa tuwing nararamdaman ko ang sakit, nahihilo ako. Dahan-dahan akong nanghihina.

Siguro dahil wala itong halong ambrosia.

Naubusan na rin kasi ng ambrosia ang clinic. Mas dumarami ang mga taong nangangailangan nito dahil kasali na sa mga pasyente ni Doc ang mga refugees. Hindi ko naman sinasabing pabigat sila.

Kaso mas nagiging busy ang staff kaya sinabihan nalang kami nila na 'take matters on your own.'

Kaawa-awa man, naiintindihan ko naman sila.

Pagkatapos, kinuha ko ang pangalawang bottle.

Pilit kong buksan ito pero ang hirap... bago siguro ang container nito o wala lang talaga akong lakas para matanggal ang cap.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now