Not Just a Witch

134K 5.9K 1.1K
                                    

Cesia's POV

Kinuha ko ang inabot ni Thea na juice. Napatingin ako sa pisngi niya na may ink. "Naligo ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya.

Kinurap-kurap niya ang mga mata niya. Naalala ko tuloy si Art at yung facial expressions niya. Yung panahon na magkasama pa kami...

"Cesia?" bumalik ako sa realidad.

"S-sorry.." binigyan ko siya ng malungkot na ngiti na binalikan rin niya ng tango. Pinunasan ko ang itim na ink sa pisngi niya.

Iba talaga kapag anak ni Hepheastus. Naalala ko rin kasi si Theosese. Hanggang ngayon wala pa kaming alam kung saan siya nanggaling. Ang alam lang namin, malaki ang naiambag niya sa Academy... at sa mga demigods. Walang makakatumbas sa mga nilikha niya.

"Namimiss ko na rin siya.." malungkot niyang sabi at dinala ako sa deck kung saan natatanaw namin ang buong kapaligiran.

Sumandal kami sa bars at magkasabay na nagbuntong-hininga.

"Asan na kaya siya" tanong ko habang nakaangat ang ulo sa itaas.

"Nasa Elysian Fields. Ginagawa yung trabaho niya syempre.." napalitan ng masayang ngiti ang mukha niya.

Tama si Thea. Dapat hindi kami malungkot sa pagkawala niya. Panandalian lang naman yung absence niya...

Sana nga..

Naniniwala pa rin ako sa sinabi niya sa'kin... na babalik siya..

Pagdating ng panahon.

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Art na takdang panahon. Sa oras ng permanenteng stage.

"Thea?" tinignan ko siya na nakapikit at ini-enjoy ang hangin.

"Hmm?" binuksan niya ang mga mata niya saka ako nilingon.

"May nabasa ka bang stage ng demigods? Maliban nalang sa Supreme Divination? May iba pa bang sinulat si Theosese?" sunod-sunod ang mga katanungan ko.

Maglalaan ako ng oras sa paghahanap ng tinutukoy na permanenteng stage ni Art. Kahit isang clue lang.. basta't may ideya na ako.

Nagpause siya sandali saka umiling.

Tumango nalang ako at sinabing kalimutan nalang 'yon. May mas mahalaga pa na topic sa ngayon. Saka wala pa naman akong kutob tungkol sa stage na'yan.

"Thea! Pakitulungan naman kami dito oh!" nakita ko ang dalawang Gamma na may dalang machine.

"Coming!" tinapik niya ang balikat ko saka sumama sa dalawang gamma.

Ang dami na rin niyang naitulong ah.. mas bago pa nga siya sa'kin dito pero mas marami na ang nagawa niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang iblanko ang utak ko. Nagmemeditate kumbaga. Nakakatulong kasi 'yan kapag bumibigat yung ulo ko.

Tumaas ang kilay ko nang magbago ang ihip ng hangin.

"Pati ba dito?" natatawa kong tanong.

"I'm sorry..." narinig kong bulong niya.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Trev na nakatayo sa tabi ko.

"for making you worry..." dugtong niya.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. "H-hindi talaga ako umiyak nun eh.. Hinanap lang kita kasi ano.. baka may nangyari.. sa'yo?"

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now