Funerals

129K 5.9K 2K
                                    

Chase's POV

"Teka. Ano bang susuotin namin?" tanong ko pagkatapos marinig ang balita ni Cesia patungkol sa funeral.... o funerals... ah basta.

"Something formal. Duh." sarkastikong sagot ng babaeng kumakain ng ice cream. Umuuwi talaga siyang may dalang ice cream palagi. Hindi ba sumasakit ang tiyan niya kakakain niyan?

Napailing ako saka napatingin kay Cesia na tinutulungan si Kara para mapasok lahat ng pinamili nilang groceries.

"Sure ba kayong a-attend tayo?" tanong ko ulit. Medyo hindi kasi maganda yung huli naming pagkikita ng mga Beta.

Saka alam kong nag-aalala kaming lahat para kay Cesia. Siya ba naman ang may pinakamalaking nagawang impact sa kanila.

"Chase naman. Syempre. Wala ka bang respeto sa mga kamag-aaral natin? Tsk." halatang nainis na si Thea dahil tanong ako ng tanong.

Hindi ba nila nahahalata na AYOKONG PUMUNTA.

"Kayo nalang ang pumunta. Di ako sasama." giit ko habang pinipindot ang remote para i fast forward sa next episode ng mga paboritong pagong ni Seht.

"Chase." nilingon ko si Ria na binigyan ako ng nakakamatay na tingin.

Nagbuntong-hininga ako.

Ano bang meron sa mga babae at ang lakas ng kakayahan nilang magpumilit. Kahit isang titig lang nakukuha ka na.

"Fine." tinaas ko ang dalawa kong kamay bilang senyales na tapos na ako sa usapan at sasama nga ako.

"Tch." sinamaan ko ng tingin si Ria bago magpatuloy sa panonood. Nahagip ko pa nga ang ngiting tagumpay niya.

Ayokong pumunta sa mga okasyon na yan dahil isa lang ang naaalala ko. Ang natatanging laman ng mga masasamang panaginip ko.

"Okay lang..." narinig kog nagsalita si Cesia. "kung hindi sasama si Chase." nagulat ako sa sinabi niya kaso hindi ako nagpahalata.

Ang alam ko may ability siya na maramdaman ang nararamdaman ng ibang tao. Yung lungkot ko kaya nakita niya?

Tinignan ako ni Cesia at nginitian ako na para bang sinisigurado sa'kin na alam niya ang sinasabi niya.

"Sabihin nalang natin na medyo busy siya o di kaya ay nakatulog.. at pagod. Okay?" nanatili pa rin ang ngiti sa mukha niya bago tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa kwarto niya.

"Still Chase, you need to pay respect unless..." siningkit ni Ria ang mga mata niya. "Natatakot ka sa mga multo?"

By now iniisip ko kung paano ko siya mapapatahimik...

dahil alam ko na kung anong susunod na salita ang maririnig ko.

Napasinghap si Ria. "Takot ka sa multo?!"

Tinignan ko lang siya saka tumayo. Dumiretso ako sa labas ng veranda kung saan ko natagpuan si Dio na nakasandal at nakatingin sa kawalan.

"Bro." tawag ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako at kinalabit siya. Nagulat siya saglit pero tinignan niya lang ako ng isang beses bago bumalim sa pag e-emote niya.

Kumunot ang noo ko. Pamilyar ang pinapakita niya ngayon.

"Babae ba yan bro?" siniko ko siya. "Si Kara ba?" saka ngumiti ng pabiro.

Andaming lalaki na nabiktima sa mga ganyan eh kaya pamilyar sa'kin. Kapag ba malalim ang iniisip at ayaw magpadisturbo. Dalawa lang ang iniisip niyan.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now