Punishments

134K 7.6K 6.1K
                                    

Cesia's POV

Nakatitig lang ako sa salamin habang binibraid ni Galatea ang maliit na section ng buhok ko.

"You seem occupied. Bakit? May problema ba?" usisa niya.

Nagbuntong-hininga lang ako bilang sagot. Hindi ako nakatulog kagabi pagkatapos makita ang nakita ni Seht sa Underworld nang nawalan siya ng heartbeats noon. Saglit kaming nagkaroon ng usapan bago bumalik sa mga kwarto namin.

Hindi ako nakatulog kasi pinatulog ko si Seht. Ang bilis kasi ng tibok ng puso niya kaya't alam kong nahihirapan siyang magpahinga.
Eh gusto ko namang makaidlip siya kahit saglit kasi nasabi niya rin sa'kin na wala siyang tulog kaya naghanap ako ng connection saka ginamit ang ability ko.

Pero habang ginagawa yon, nakita ko ang pinagdaanan ni Seht. Simula nung bata pa sila.

At mas nalungkot ako kasi nakita ko ang point of view niya nang iniligtas nila si Art sa Underworld.

Ewan pero feeling ko may trauma na yang si Seht sa Underworld eh kaya hindi siya nakatulog sa mga nakaraang gabi.

Kinalabit ako ni Galatea dahilan na mapatingin ako sa kanya. Ngumuso siya sa direksyon kung saan ang suklay kaya pinulot ko ito at binigay sa kanya. Tinanggap niya ito gamit ang dalawa niyang maliliit na mga kamay.

"Hindi nalang ako magtatanong kung anong nangyari sa kanya.." sabi niya sa sarili niya. Napangiti ako kasi narinig ko ito.

"Ano bang gagawin mo Galatea.. pag may namimiss kang tao?" tanong ko sa kanya.

Tumigil siya para mag-isip ng sagot. Dumaan ang ilang segundo at inangat niya ang ulo niya para tignan ako.

"Yung anak ba ni Apollo at yung anak rin ni Hades?" nagulat ako pero tinanguan ko naman siya.

"Ang dapat mong gawin ay magpalakas. Magpalakas ka para sa kanila. Believe in them.. na babalik sila. And while they're gone, make them your strength so when they're back, they will see that their absence was not in vain." sagot niya.

Tinignan ko siya na nakataas ang isang kilay. Mukhang in-underestimate ko ang kakayahan ng statue na'to.

Mayamaya, napangiti ako saka tumango. "Tama ka nga...." binalik ko ang mga mata ko sa babae sa salamin.

"babalik sila..." sabi ko sa sarili ko.

Panatag ang loob ko na makukumpleto ulit kami balang araw... sa ngayon, magpapalakas muna ako para sa kanila.

•••

Narinig ko ang pagtunog ng doorbell kaya binuksan ko ito. Nakita ko ang isang aurai na nakatayo sa labas.

"You are being summoned by the principal." tugon niya dahilan na magtaka ako. Pinapatawag ako ni Kerensa?

Sinundan ko nalang ang aurai hanggang makarating kami sa harap ng office. Nagulat ako nang makita si Trev na papunta rin sa patutunguhan ko.

"Pinatawag ka rin?" tanong ko na tinanguan niya.

Hmmm.. may kailangan ba ang principal sa'min?

Kumatok ng dalawang beses ang aurai bago binuksan ang pinto para papasukin kami.

"take a seat you two..." sinenyasan kami ng principal. Sinunod naman namin ang sinabi niya.

Nakakunot lang ang noo ko habang nakaupo. Naghihintay ata para malaman ko na kung ano ang dahilan na nandito kami sa office niya.

"I am sorry for the both of you but you are to be punished right now." nanlaki ang mga mata ko pagkatapos marinig ang sinabi niya.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now