Seht's Death

135K 6.1K 2.2K
                                    

Ria's POV

"My children will be blinded... that means the gods right?" inangat ko ang ulo ko at nakita si Kara na nakatulala sa harap ko.

Katatapos lang ng afternoon class namin at matatagpuan ko na naman siyang ganito.

"Kara?" I tried waving my hand in front of her. Ilang segundo ang dumaan at nakuha ko na rin ang atensyon niya.

"I'm.. I'm sorry.. what was it again?" napailing siya. I sighed bago umayos ng upo at tinignan si Cesia na nakaupo sa sofa. Walang may alam kung asan si Thea. But hula ko nasa mechanical room na naman ang babaeng yun.

"Cesia! Kara is malfunctioning again!" sigaw ko.

Tumayo si Cesia at umupo sa tabi ko. "Ano yan?" usisa niya. Mayamaya'y binigay ko sa kanya ang papel kung saan isinulat ko ang second prophecy... for study purposes.

"Mmm.." tumango siya. "My children will be blinded refers to the gods.. tas yung their children, good as dead... tayo.. yun" nanghina ang boses niya. Ngayon lang siguro niya na realize kung anong ibig sabihin ng second line.

Kumunot ang noo ni Kara. "The world, a cradle of bloodshed." dugtong niya.

Good thing at nakuha ko na rin namin ang interes ng anak ni Athena.

"Wala bang hidden meaning yan?" tanong ko kay Kara. Umiling siya bago sumagot "It's just that simple.. I think.."

Hmmm... siguro nagmamadali si Rhea kaya ito lang yung naisip niyang prophecy. Well whatever. Aantayin ko lang ang third prophecy. I'm pretty much thrilled to know.

Tiniklop ko ang papel at ibinulsa ito.

"We all know what that means. right?" I shot a glare at Kara.

"Actually... we don't." sagot niya. "The gods will be blinded she said... but how though?" napatango ako pagkatapos marinig ang sinabi niya.

"Does that mean the gods are being deceived?" dagdag ko.

"pwede rin naman yung tinutukoy niya jan ay yung mga rebel deities..." ani Cesia.

Just like what Medea did to the Beta. She deceived them into thinking na siya ay ang mga deities nila. They were tricked.

"Posible kayang... the rebel deities are being tricked too?" I asked the two of them.

Wala akong nakuhang sagot mula sa dalawa. Seems like what I said got them thinking. I mean.. posible naman eh.. but how powerful is that deity who actually fooled the other deities into rebellion? Kinaya niyang linlangin ang mga deities na kumalaban sa Olympians.

What the heck. How powerful is he or she?!

Narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya napatingin kami. Pumasok ang apat na lalaki. Umupo sina Chase at Dio samantalang pumasok naman sa kani-kanilang kwarto sina Trev at Seht.

"Nga pala Kara.. I forgot to ask..." bumalik ang atensyon ko kay Kara. "did something happen? You're being off lately.. at di ko alam kung bakit..." Concerned lang ako sa kaibigan ko. Hindi naman ako manhid para di mapansin ang kakaibang kinikilos niya.

"I'm... sick.." she replied.

"talaga?" tinaasan ko siya ng kilay. So far, ang alam ko, hindi nilalagnat ang mga demigods. Especially her. I never thought na magkakasakit siya. Ngayon ko lang narinig mula sa kanya ang phrase na 'yan.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now