The Two Fathers

130K 6.3K 2.5K
                                    

Ria's POV

Siningkitan ko ng mata ang babaeng nakatitig sa labas ng bintana. She's staring outside in a weird... way. Like it seems na may kadahilanan ang tingin niya...

I'm curious.

"So Kara..." inayos ko ang paghawak sa manobela. Making sure that there's nothing in front of us before looking a her. "spill it."

Bumalik ang dating facial expression niya. "spill what?" tanong niya.

"Why you're staring like that... no one knows." sagot ko.

Hindi ako anak ni Aphrodite but I can tell she's blooming. To the point na nakakapanibago. Usually, there's this gloomy aura around her.

"Wag mong sabihin na pumunta ka lang sa clinic para tulungan si Doc at pagbalik mo.. ganito ka na?" I asked with an obvious tone that I don't want some silly answers.

"May nainom ka bang medisina Kara kaya ka nagkakaganyan-" napasinghap si Thea. "M-may sakit ka ba?"

We're all girls here after all. Ibang kotse ang dinala ng mga lalaki.

They went first and we just trailed behind.

Hindi ko na nga sila nakikita pero alam naman naming lahat ang address ni Cesia kaya sigurado akong magkikita rin kami doon.

"It's too soon to talk about it." she subtly replied giving me a glare before facing the window. I just sighed at hinayaan siya.

I mean... alam kong may nangyari. But I guess it turned out good for her so hindi nalang ako makikiusisa pa. As long as hindi siya nasaktan.

Natahimik rin si Thea pagkatapos marinig ang sagot ni Kara. We won't try bothering her.

For now, we're focused with our friends' survival.

"Kumusta na kaya si Cesia..." narinig kong bulong ni Thea.

"Si Cesia lang ba ang concern mo? May nakalimutan ka ata." sabi ko sa kanya.

"Ahh.. oo nga pala.. kasama niya si Galatea..." she said wide-eyed.

I was referring to Trev pero mukhang mas mahalaga sa kanya yung dalawa kesa kay Trev.

I'm sure she's safe... she's with Trev and as far as I know, hindi niya hahayaang masaktan si Cesia.

You know... sometimes he becomes possessive of her... which makes me wonder why...

Interesado ata si Trev sa anak ni Aphrodite. Napangiti ako. Bagay naman sila...

Nakita ko na yung dalawa na lumaban at masasabi kong sila ang demigods na nakakatakot tignan lalo na pag pinoprotektahan nila ang isa't-isa.

They just look more than ordinary when together. Mas malakas ang enerhiya kapag magkasama sila as if there was really something pulling them from between.

Kapag normal na tao ka, makikita mo lang ang isang couple. Pero iba ang mga mata ng tao na may experience na sa makabuluhang mundo na'to.

At masasabi kong ang dalawang 'yon.. ay iba.

Kumunot ang noo ko.

Ibang-iba.

•••

Tumigil kami sa harap ng nasabing bahay. Pinark ko ang kotse sa likod ng isa pa na nakaparada obviously, it belongs to the boys. Nauna pa naman sila sa pagdating.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now