The Plan

131K 6.5K 6.9K
                                    

Dio's POV

Gusto ko sanang lumabas dahil kanina pa ako naghihintay dito kasama ang principal, iilang staff members at ang dalawang leaders ng mga huntres at amazons.

Tsk. Nakapamulsa akong nakatayo sa isang sulok ng classroom.

Wala naman akong balak sumali sa meeting na'to. But then, tinawag ako ni Sir Rio.

I was about to ask permission to go out and never come back when an angel entered the room. Kasama niya si Galatea na nakaupo sa kanyang balikat while humming a song.

"Nevermind." I mumbled under my breath. Bumalik ako sa pwesto ko, hoping that she'd spot me.

She did.

Napangiti ako nang makita siya na papunta sa'kin.

"You're here.." pumwesto si Kara sa tabi ko.

Napansin niya siguro kung paano ako makatitig sa kanya kaya't namula ang pisngi niya. Which I find is utterly attractive.

Ngayon lang ako napaisip.. how the hell can I get through a meeting with her? I can't focus on the important details especially when she's beside me.

"Am I distracting you Dio?" tanong niya.

Nagulat ako saglit pero napangiti nalang ako. Ano pa ba ang inaasahan ko sa isang anak ni Athena? She can read every one of my moves.

I let my arms encircle her waist and pulled her close. "Yes but I kind of like it this way."

"Umm hellooo??" napalayo kami sa isa't-isa nang magsalita si Galatea. "Gods. Please take into consideration that there is a single lady here. Tsk."

Nagtinginan kami ni Kara. We both chuckled at the little statue's remark.

"Nasaan nga ba ang Pygmalion mo?" natatawa kong tanong.

"Well.. hindi ako ang original na Galatea you know.. and besides, why the hell do I need a boyfriend when I have myself." inirapan niya ako.

Fair enough. Si Aphrodite naman ang gumawa sa kanya so maybe the goddess have other plans for her.

Tumango nalang ako at tinapik ang noo niya. "Hahanapan kita." nakangisi kong sabi sa kanya.

Dagliang nagliwanag ang mga mata niya. Quickly enough, she managed to hide it behind a poker face.

"I need no man." she flipped her hair.

Really?

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Dio." binigyan ako ni Kara ng nagbabantang tingin. "Not every girl needs a boyfriend.. like me. I didn't need one."

Needless to say, nagulat ako sa sinabi niya.

"Fine." I folded my arms on my chest. "Let's break up then."

Sinunod ko si Galatea at inirapan si Kara. I know it's unusual of a guy to do so but then... men can do unimaginable things for their women so..

Atsaka, gusto ko lang talaga siyang tuksuhin.

"Dio." my ears jerked up when she says my name again.

.. and I find it too hot to handle.

I should've known. Tsk.

If only I could snatch her away from here to a place where I can be alone with her. At doon, sisiguraduhin kong isisigaw na niya ang pangalan ko.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon