Spirit of Elpis

133K 5.6K 1.1K
                                    

Thea's POV

Napahikab ako saka bumagsak sa higaan. Phew buti nalang at tuloy-tuloy yung paglipat namin sa mga refugees. Wala naman kaming nakasalubong na anak ni Gaia.

'8 pm' binasa ko kung saan nakaturo ang dalawang kamay ng relo ko.

Ang aga pa para matulog pero ramdam ko na kasi ang pagod na dinulot ng mahabang lakbay namin kaya dumiretso ako dito sa kwarto.

Kinuha ko ang unan at niyakap ito. Alam kong di pa ako nakabihis pero... isang idlip lang ang kailangan ko... siguro mga thirty minutes... tas lalabas ako para kumain.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Napasinghap ako nang bumagsak ako pababa na tila may humila sa'kin. Hindi ko alam kung nasaan ako pero...

ayoko dito.

Nasa morgue ata ako dahil ang tindi ng baho. Pinalibutan ako ng amoy ng mga patay.

Teka.

Nananaginip ba ako?

Sinampal ko ng may lakas ang sarili ko at napa-'aray' ako dahil sa sakit. Putcha naman oh. Gusto ko lang matulog tas nagteleport na ako dito!

Asan nga ba ako?

"You're in the Underworld child." napalingon ako sa babaeng bigla nalang nagsalita sa tabi ko. Lumulutang siya na tila isang multo. Isang ghost bride. May bitbit kasi siyang bulaklak.

Pero ang ganda naman niya para maging multo...

Spirit ba siya?

"Excuse me lang ano? Paano ba ako-"

"shh." sinenyasan niya akong tumahimik. Nakatingin lang siya sa harap dahilan na mapatingin rin ako.

Tatlong babae ang nakatayo at nakaharap sa isa't-isa. May mga pakpak sila na kasingkulay ng suot nilang robes.

mas nakakatakot ang hitsura nila... sila siguro yung mga multo?

"Don't be too excited Tisiphone... sister.." kalma na pagkasabi ng isa sa kanila.

"I cannot wait to avenge the Olympians. They will die. Die for the mother!" sabik na sagot ng isa sa kanila na ayon sa narinig ko, ay nagngangalang Alecto.

"Megaera. Is the mother tending to the titan?" tanong niya sa katabi niya.

"Yes Alecto. Mother is with him. After a few weeks, magigising na siya ng tuluyan. There will be no one who can stop us now. Even those pesky demigods!" halatang galit siya.

Tisiphone... Megaera... Alecto...

Hahanapin ko ang mga pangalang 'yan sa library pag gising ko.

Kung magigising ako... ish.

Napansin ko ang katabi ko na nakangiti. Abnormal siguro. Kakarinig lang namin na malapit nang magising ang isang titan.

May kutob akong si Cronus ang tinutukoy nila. Tas ayon pa sa kanila, walang makakapigil sa kung ano man yang plano nila.

May kutob rin akong kami ang demigods na pinag-uusapan nila. Eh kami lang naman talaga ang mga demigods na nag t-trending ngayon sa mythological world. Tsk tsk.

"How about the demigod? is she awake? I heard our sisters are taking care of her." ani Megaera habang tinitignan ang mga kuko niya.

"The curses are taking care of her." tumango si Tisiphone.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon