Purple Eyes

139K 6.3K 4.4K
                                    

Cesia's POV

Tumigil na ang sinasakyan namin. Tinanong ko si Ria kung hihintayin pa ba namin yung dalawa na nakasakay sa nilalang na 'yon.

"They'll just have to walk from the river nearby. There's a river deep inside the forest so... they'll just have to stop there." sagot niya.

Forest...

Bumalik sa akin ang ala-ala ng babaeng nakita ko noon. Di ko maaninag ang mukha niya pero alalang-alala ko pa ang nakakakilabot niyang boses. Pinapahanap kami ni Doc ng herbs tas naging partner ko si Dio...

Umiling ako. Nakakatakot kasi pakinggan 'river deep inside the forest'. Sa tingin ko yan nga yung ilog na nilangoy ni Chase para makamit yung herbs.

Ako ang panghuling lumabas ng kotse. Kinuha ko si Galatea saka yung mga kagamitan ko.

Tumalikod ako pero nadala ako sa bigat ng bag ko kaya na out of balance kaagad ako.

Nagulat ako nang isang kamay ang humila sa'kin patayo bago pa ako tuluyang matumba sa lupa. Malakas ang paghatak niya sa braso ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa damit niya.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko.

Teka. Nangyari na'to dati ah...

Inangat ko ang ulo ko para makita si Trev na nakatingin sa'kin.

"U-uhh-" ewan pero napanganga ako.

Kumunot ang noo niya. "You keep on slipping when I'm around. Why is that?"

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "H-hoy. Di ko kaya sinasadya-"

Namuo ang isang nanunuksong ngiti sa mga labi niya kaya napatigil ako.

Pinaglalaruan niya ba ako?

"Careless woman." puna niya dahilan na mainis ako. Mayamaya, bumalik ang ngiti niya. "Should I lock you up to avoid further injuries? or..." kinuha niya ang kamay ko at nilagay ito sa braso niya.

"stay close to me.." dugtong niya.

"Wait a second!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Galatea na kalalabas lang mula sa bag. Umakyat siya sa balikat ko.

Siningkitan niya ng mata si Trev. "May hindi ba ako alam dito?!" galit niyang tanong.

As usual, binigyan siya ni Trev ng poker face bago maglakad papunta sa levitating platform.

"Absurd! Lady Aphrodite shall know of this!" tinuro niya si Trev kaya binaba ko ang maliit niyang kamay.

"No wait... unless you're the one Aphrodite was talking about? Hmmm..." ginulo niya ang buhok ko habang may inaalala.

Nag-abot ang kilay ko. "Bakit? Anong sinabi ni Aphrodite?"

Tinignan ko si Trev na seryoso rin ang ekspresyon kaya alam kong nakikinig siya sa kung ano man ang susunod na sasabihin ni Galatea.

"My daughter will have to fall before she can fly. She will live in darkness Galatea. I wish for you to be there. I wish for a man to be there for I cannot be with her when that time comes. No one can help her... she has to release every piece of her... she will be left with a weakness and terrible pain."

"A-ano?" tanong ko na tila hindi naniniwala sa sinasabi niya.

Tama ba yung narinig ko?

Saka ba't ngayon ko lang nalaman 'to?!

"Hindi lang ako pinadala ni Aphrodite as a gift you know. I'm here with a mission too. Not just to serve but to... protect you." nakangiti niyang sabi.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now