Release the Kraken

128K 5.7K 2.4K
                                    

Ria's POV

Tumigil kami sa may entrance ng forest. What we're looking at just confirmed na andito nga talaga yung dalawa.

Limang giants ang nakahiga sa gitna ng daan. I mean, it should be an unusual sight in the middle of the street. The thing is, nakabukas pa ang mga mata't bibig nila. As if in a permanent shock.

"It's Trev." puna ni Kara pagkatapos makita ang naging hantungan ng lima.

Nakarinig ako ng tunog mula sa sasakyan kaya lumapit ako. Nagulat ako nang makita si Galatea na nakahiga. Kinuha ko ang maliit na statue.

Sinampal-sampal ko pa nga ito gamit ang dalawang daliri ko.

Wait. Paano ko ba malalaman kung buhay pa'to?! Eh statue to!

"Ahhh!!" nagulat ako nang sumigaw siya pagkagising niya.

Well I guess that answers my question.

"May f-fog na itim t-tapos may-" nanlaki ang mga mata niya. She stopped to take a deep breath. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya.

Huminahon na nga siya ng tuluyan. I cringed when she suddenly inhaled just to release the loudest whistle I have ever heard.

Napailing nalang ako.

"Kararating lang namin. We're going to the camp right now." sagot ko at pumunta kina Kara with Galatea on my hand.

"Hindi na kailangan." saad ni Chase.

Kumunot ang noo ko at napansing nakatingin sila sa ibang direksyon kaya napatingin rin ako. My eyes were fixed on the man with dead eyes slowly emerging from the woods.

Siningkit ko ang mga mata ko at nakita na bitbit niya pala si Cesia.

Agad naming pinuntahan si Trev.

"Is she okay?" nag-aalalang tanong ni Kara. Sinuri ko si Cesia and her breathing is deep and uniformed. Hula ko natutulog 'yan.

Hindi kami sinagot ni Trev at dumiretso lang siya sa sasakyan.

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ko kay Galatea na nakayuko.

"May tatlong giants.. tapos naging lima... nasa bulsa lang ako ni Trev noon. And then... he asked Cesia to go... iniwan niya ako dito sa sasakyan.. so just in case na matalo siya sa laban, I can sneak my way up to Cesia and tell her what happened and then ask her to go run away from this place." she answered. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya.

"and if he was able to defeat them, I can give a whistle from here to signify your arrival." dugtong niya.

Tinanguan ko siya. Inaasahan ko na 'yan mula sa leader ng Alphas.

May naalala ako kaya tinanong ko siya kung ano pa ang nakita niya. Napansin ko ang takot sa mga mata niya nang maitanong ko 'yon.

Nagbuntong-hininga siya. "Natagpuan mo akong nakahiga sa loob pero hindi ako nakatulog Ria. NAHIMATAY AKO."

Tumayo siya sa kamay ko para hawakan ang magkabilang pisngi ko. "I WAS IN A STATE OF SHOCK!"

Dinistansya ko siya mula sa mukha ko.

"There was a black smoke and then there's lightning and then- HINDI GANYAN ANG ISANG DEMIGOD RIA-" tinakpan ko ang bibig niya.

I hushed.

"Dahil dalawa ang deities ni Trev, Galatea. He is a descendant of both rulers of the Heavens and the Underworld." pagkatapos marinig 'yon, napaupo siya sa palad ko. Buti naman at hindi siya nahimatay ulit.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now