Never Wished

126K 5.7K 2.8K
                                    

Thea's POV

"Mali ata yung pagkarinig ko.. ano ulit yun?" umayos ng upo si Ria sa sofa.

"Cesia's eye color changed.." sagot ni Kara. "you can go check it for yourselves."

Nagtinginan muna kami saka sabay-sabay na lumabas at tumungo sa clinic.

"Imposible. Hindi pa siya nakaabot sa peak ng divination niya. So how?" binuksan ni Ria ang pinto.

Pumasok kami sa cubicle. Nasa gitna si Cesia na nakaupo sa higaan niya. Samantalang chinicheck naman ni Doc Liv ang mga mata niya.

Sunod na pumasok sina Trev, Seht at Dio.

"Mm.." tumango si Cesia. "Wala po akong nararamdaman na kakaiba.. sa ngayon.."

Nagbuntong-hininga si Doc. Umupo siya sa harap at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya.

"You're really something, Cesia." hinawi niya ang konting buhok na nakatakip sa mga mata ni Cesia.

Biglang pumasok ang principal at dali-daling pumunta kina Doc.

Ngayon ko lang naalala, demigod din pala si Kerensa at isa rin siyang anak ni Aphrodite. Tinignan niya ng maigi ang mga mata ni Cesia.

"can you change it back?" tanong niya.

Umiling si Cesia.

Nag-iba ang kulay ng mga mata ni Keren. Magkapareho sila ng kulay. May pagka violet-ish at pink-ish. Kumikislap rin ang mga mata nila.

Parang sinumpa ang mga mata nila ni Eros. Mahuhulog ang kung sino man ang tumitig.

Ang cool siguro...

"Breathe slowly and then close your eyes. Feel your strength calm a little bit and then open your eyes again." utos ng principal.

Sinunod naman ito ni Cesia. Pagmulat niya, ganoon pa rin. Di pa rin bumalik ang dating kulay ng mga mata niya.

"That's weird." kumunot ang noo ng principal. "Naririnig mo ba ang heartbearts namin?"

Tumango si Cesia.

"Can you reach the heartbeats of the Gamma students?" tanong niya ulit.

Napasinghap si Cesia. "P-paano?"

Nasa ibang building ang Gamma class. Pero.. PAANO NIYA NARIRINIG ANG MGA HEARTBEATS NILA EH ANG LAYO-LAYO NG GAMMA MULA DITO.

"Can you feel their weaknesses?" pangatlong tanong ng principal.

Napalunok si Cesia bago tumango.

Kinuha ng principal ang kamay niya. Dinaramdam niya ang pulso ni si Cesia.

Nagulat nalang kami nang napatapon siya bigla. Tumama siya sa pader saka bumagsak na humihingal.

"A-are you okay?" tanong ni Doc.

Tumayo si Kerensa at bumalik kay Cesia na gulat na gulat sa nangyari.

"Hindi ko sinasadya-"

"I knew that would happen." nginitian siya ni Kerensa. "Your abilities are on the same level as mine. But it seems like.. you contain more power than what you have now."

"Hindi ka pa nakaranas ng supreme divination diba?" umupo siya sa tabi ni Cesia.

Tumango ulit si Cesia.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now