Prologue

43.5K 772 151
                                    

Ang sabi sa'kin ng aking tata ang lipunan daw ay tatsulok. Hanggang mayro'ng sakim na na'sa itaas ay hinding-hindi mawawala ang mga na'sa laylayan, sila daw 'yong mga taong tulad namin, ang naghihirap ngunit palaging 'yong mga na'sa itaas ng tatsulok ang nakikinabang.

Wala naman daw kasi kaming magagawa kun'di ang makisabay na lang sa takbo ng buhay. Ayon daw kasi ang reyalidad para sa mga mahihirap na tulad namin.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpakawala ng buntong-hininga habang na'sa labas ng hindi kalakihang kubo namin.  Sa labas kasi ng aming munting kubo ay may mahabang kahoy na upuan ito'y gawa ng aking kuya na inuupuan ko ngayon, napakadilim na rin ng langit at halos wala na akong makita, tanging ang kalahating buwan na lamang at ang gasera ang nagbibigay liwanag sa malawak na lugar.

Kumain na kaya sila tata at kuya?

Magdadalawang gabi na simula nang dumayo sila sa isang siyudad para ibenta ang sako-sakong mais na naani namin ngunit hindi pa rin sila umuuwi, sa totoo lang ay nag-aalala na ako ngunit ayaw kong masyadong mag-isip dahil alam kong pagtakot lamang sa sarili ko ang dala nito. Pilit ko  na lamang iniisip na dati nga ay naranasan nilang hindi makauwi ng tatlong gabi dahil sa malakas na bagyo sa pinagbentahan nilang siyudad.

Tama, tulad ng dati ay nagkaroon lang ng maliit na problema kaya wala pa sila.

Kung wala pa sila mamayang umaga ay siyaka ko pa lang hahayaan ang sarili kong mag-alala at lumuwas ng bayan upang magtanong-tanong.  Gabing-gabi na at kailangan ko na rin kasing matulog upang kung sakaling dumating sina tata at kuya bukas ng umaga ay mapaglilingkuran ko sila, sigurado akong pagod na pagod na naman kasi silang uuwi.

Minsan ay napapatanong na lang ako kung bakit ba kasi babae ako?

Ang dami kong hindi nagagawa dahil lang sa kadahilanang babae ako, kung lalaki lang siguro sana ako ay papayagan ako ni tata na tulungan siya kagaya ni kuya. Sawang-sawa na rin ako sa maliit na kubo namin, gusto ko rin palaging nakakaluwas ng bayan at nakikipag-usap sa mga kaparehas ko ng edad tulad ni kuya.

Masyadong mahigpit sa akin si tata dahil babae ako pero pagdating kay kuya ay hindi naman niya ito pinagbabawalan.

Ang daya-daya talaga.

Mas matanda lang naman si kuya ng ilang minuto pero bata pa rin ako kung tratuhin ni tata, labinsiyam na taong gulang na ako ngunit akala mo wala akong isip sa sobrang higpit ni Tata. Kahit nakakasakal na minsan ay iniintindi ko na lang siya... alam kong mahal na mahal niya lang ako at ayaw niya akong mapahamak tulad ng nangyari kay mama.

Sa huling pagkakatoon ay payapa kong tinignan ang malawak naming bukirin kung saan tanging ang mga kuluskos na lamang ng damo ang maririnig mong ingay dahil sa gawa ng malamig na hangin ... wala pa rin, wala pa ring nagpapakita na maaring parating na sila. Nagpakawala na lang ako ng hindi ko na mabilang na buntong hininga bago tuluyang pumasok sa kubo naming bahay.

Nang makapasok na ako ay inayos ko sandali ang gaserang hawak ko at ipinatong ito sa maliit naming kahoy na mesa , mabuti na lang at noong maliwanag pa ay naayos ko na ang mga hihigaan namin kaya tanging ang pagpasok na lamang sa kulambo at paghiga sa banig ang ginawa ko.

Wala naman akong masyadong ginawa kundi ang maghintay pero ng maipikit ko na ang dalawang mata ko ay agad akong dinalaw ng antok.



******



Nang buksan ko ang dalawa kong mata ay mabilis akong nasilaw, doon ko napagtanto na hindi ko pala naisara ang bintana namin kaya sumalubong kaagad ang liwanag ng araw sa aking dalawang paningin.

Umaga na naman.

Mabilis nalukot ang mukha ko ng bumangon ako at tignan ang buong bahay namin ngunit... wala pa rin sila. Ang tagal naman 'ata?

That Probinsiyana Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن