Kabanata 58

5.5K 104 8
                                    


Hindi ko alam kung anong oras na ng makadating na rin kami sa wakas ni Alexander sa may Apartment na tinitirahan ko pero wala sa'ming gumawa ng galaw upang maunang bumaba.

"You really okay? Sorry for my harsh action earlier... kailangan ko lang gawin or else mapaghahalataan nila."

"Mapaghahalataan?"

"Na tayo... na mahal kita."

"Bawal ba?'

"Bawal."

Nanglaki ang dalawang mata ko sa sinabi niya. "Bawal kayo magmahal ng isang babae?"

Tuamango si Alexander. "Romantic relationship? Yes."

Kumunot ang noo ko. "Kung ganoon, paano ka nagawa? si Giovanni? Paano?"

Si Alexander naman ang kumunot ng noo. "Giovanni? How do you know him?"

Napahinto ako sandali dahil hindi ko pa nga pala sa kaniya iyon naku-kuwento. Ang tanging napag-usapan pa lang namin ay ang paghatid sa akin ni Alias at pagiwan sa aking mag-isa doon sa mansion nila. "Noong pinasok ako ni King sa loob, ang una naming kwartong pinuntahan ay ang kwarto ni Giova---"

"Fuck!" Mura agad ni Alexander. "That dickhead just either having brutal sex or taking drugs!"

Napapikit ako sa bigla nitong sigaw.

"Sorry sweetheart." Paghingi agad ni Alexander ng paumanhin.

Nginitian ko ito. "Oo, tama ka...'yong una mong binanggit? Ayon ginagawa niya kasama ang... ang dalawang babae."

Napailing na lamang si Alexander. "Sana makatulog ka pa ng mahimbing pagkatapos ng nangyari. I'm really swetheart, you don't deserve what you saw and experienced today. Don't worry too much... we will be able to separate ourselves from them, someday, somehow. I love you."

*****

Hindi ko maiwasang kabahan sa pagtulog ko kahit noong nagising ako nang umaga, paano kung pinasundan pala ako ng pamilya ni Alexander at hindi lang ako ang saktan kung hindi Nanay Lorna at Ate Carla rin?

Hindi ko sila kaano-ano, wala silang responsibilidad sa akin pero hindi pa rin ako makapaniwala na kung tratuhin nila ako ay punong-puno ng pagmamahal...ganito kabuti ang mga puso nila, hindi nararapat sa kanila ang masaktan.

Wala namang nangyari sa aking kakaiba hanggang sa pagpasok ko. Pumasok ako sa uanng klase na hindi nakikita si Alexander, ganoon rin sa pangalawa kong klase hanggang sa mag-break na ko ay wala pa rin siya.

Iniisip ko na lamang na baka hindi pa tapos ang meeting ng pamilya nila kaya ganoon at pilit ko na lamang siyang hindi iniintindi dahil malamang busy iyon.

Nang magkasalubong kami sa hallway ni Alias ay halatang umiiwas na ito sa akin, hindi ko alam kung dahil ba nahihiya siya o alam niya na hindi naman talaga maganda ang mangyayari sa pagpunta namin doon.

Boring ang buhay ko lalo na ang eskuwelahan kung wala si Alexander, wala kasi iyong lalaking nagtuturo sa'kin ng hindi ko naiintindihan, ang sinasamahan ako sa lahat at lagi akong pinapatawa.

Tahimik na lamang akong gumawa ng mga trabaho ko sa kusina at nang matapos na ang oras ko doon ay pumasok naman na ako ng pang-apat kong klase ngayong araw.

Tulad ng mga nauna ko nang klase, hindi rin iyon masaya, paulit-ulit lang. Nagtuturo ang teacher, hindi naman ako nakikinig, may magiingay na kaklase na saswayin ng teacher tapos biglang magpapa-short quiz ang teacher at makakakuha na naman ako ng mababang score, puro ganoon lamang.

Sa huli kong klase ay wala na kaming guro na pumasok kaya nanahimik na lamang ako sa upuan ko sa dulo habang kinakalikot iyong phone ko... ilang beses na akong nag-text kay Alexander pero hindi naman ito sumasagot.

Kahapon ay at least nagpaalam siya na hindi siya makakapasok pero ngayon ay hindi man lang ito nagpaparamdam kung okay lang ba siya.

Kinakabahan na tuloy ako dahil baka pinarusahan siya ng tatay o tito niya.

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga at kinalikot pa 'yong Iphone na bigay sa'kin ni Alexander kung saan-saan, kagabi ay sandali ako nitong tinuruaan kung paano daw doon mag-text doo pero tuwing wala akong kginagawa ay kinakalikot ko na lang ang Iphone, iba kasi ito sa una kong quaphone.

"Guys!" Biglang sigaw ng isang kaklase ko sa harapan pero hindi ko ito tinignan o pinansin dahil hindi naman ako kasama sa 'guys' na tinatawag nito, palagi naman 'e.

Okay lang naman sa akin, nandiyaan naman si Alexander. Na'sa punto na ako ng buhay ko na alam kong mabubuhay ako hangga't nandiyan lang siya... siya lang ang kailangan ko.

"Have you guys seen the invitation for Vanessa's debut party!? Oh my god... look at it online!" Sigaw pa ng isa kaya sandali kong itiningala ang paningin ko sa buong klase at lahat nga sila ay nagpuntahan at tinignan ang kani-kanilang phone.

"Bakit wala ako? Does it mean that I'm not invited!?" Rinig kong sabi ng babaeng na'sa tabi ko lang na nasundan kaagad ng iba pa naming mga kaklase ng maiingay na komento pa, may mga taong sobrang excited doon sa party daw pero may mga malungkot at nagrereklamo rin na hindi daw sila nakakuha noong invitation.

Vanessa... vanessa na naman, simula noong bumalik siya ay puro na lamang party niya ang naririnig ko sa mga pinaguusapan ng mga kaklase namin, kailan ba sila titigil? Bakit ang hilig nila sa mga party?

Akala ko tuloy masaya... pero noong pumunta kami doon sa Boracay ay napagtanto kong hindi naman pala sa akin ang mga party, ang pangit lang ng naranasan ko doon.

"His escort is Alexander? I thought they've already broken up---" Natigil agad ang babaeng nagsabi noon na na'sa harap ko lang nakaupo ng pasikreto at pasimple akong tinuro ng katabi niyang kausap.

"Sorry." Nahihiya na paumanhin pa noong babae pero narinig ko naman na siya.

Debut party ni Vanessa at escort si Alexander, siguro kung ako si Mahalia dati ay hindi ko maiintindihan ang sinabi niya pero marami na akong nabasang libro ngayon na pinapapabasa ni Alexander kaya alam ko na ang mga term na ganoon.

"Pwede bang patingin?" Sabi ko na hindi lang nakapagpagulat sa dalawang babaeng na'sa harapan ko kung hindi sa akin rin... hindi na ako kinakabahan, hindi na lumalakas ang tibok ng puso ko sa pakikipag-usap lang!

Sinuri ko ang invitation sa cellphone nito at nakita ang magandang si Vanessa suot-suot ang isang mahaba at magandang pulang dress, may korona rin siya sa ulo nitong maliit na bagay na bagay sa mukha niuya.

Mabilis kong ibinaba ang photo at hindi na masyadong binigyan ng pansin ang iba pang nakalagay doon, ang hinanap ko agad ay ang pangalan ni Alexander.

Hindi naman ako nabigo ng makita ko nga ang pangalan niya doon, siya nga talaga ang escort ngunit alam ba iyon ni Alexander?

Bakit si Alexander pa ang pinili niya kung hiwalay na sila? Hindi ba may sikreto silang relasyon ni Stephen? Bakit hindi iyon ang ilagay niya?

"If you guys don't know our school king and queen are officially back together! Kaninang umaga lang! Sandaling pumunta si Alexander with a huge bouquet of flowers pa and chocolates para lang kay Vanessa!" Sigaw ng isa ko na namang kaklase na nakapagpa-agaw ng atensiyon nang lahat.

Napaanga ako sa sinabi nito.

Ano daw?

Imposible...imposible...kagabi lang ay muli naming inamin ni Alexander ang pagmamahalan namin sa isa't-isa pero ano itong kasinungalingang sinasabi ng kaklase ko na na'sa harapan?

Nagiisip pa rin ako ng mapansin ko na lang na ako na pala ang tinitignan ng lahat ngayon at hinihintay kung ano ang gagawin.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now