Kabanata 17

10.4K 356 50
                                    


"I'm a Larkspur. Alexander Larkspur... yeah Larkspur as in the school's name." 

"Bakit Larkspur?" Tanong ko na sa totoo lang ay hindi ko rin naiintindihan kung bakit iyon ang tinanong ko.

"I don't know I've been asking that since I discovered I'm a Larkspur. Malas 'e." Napasimangot ako sa sinabi nito.

Bakit ganoon ang tono niya? Ayaw niya ba sa pamilya niya?

Kinagat ko sandali ang ibabang labi ko bago tuluyang tinanong ang kanina pa gumugulo sa isip ko. "Pag-aari mo ba talaga itong school?"

Napatawa ito ng mahina bago ako siangot. "Wala akong pag-aari it's my Uncle Salvatorre Larkspur's business. I doubt na bibigyan ako ng tatay ko ng kahit na anong pamana if it's up to him but I guess wala siyang magagawa 'coz I'm his first born, kahit ayaw niya at ayaw ko ayun ang rule."

"B-bakit ganoon?"

"Because it's a fucked up world." 

"H-hindi mo kailangang magmura?" Nahihiyang patanong na ika ko.

Hindi ito natawa o naglabas ng ibang reaksiyon kaya akala ko nagalit siya at magsisisi na sana ako ng muli kong marinig ang boses niya. "Sorry." Paumanhin nito.

Matapos ang paumanhin niya ay hindi na siya muling nagsalita pa ngunit sa hindi malamang rason ay gusto ko pa rin siyang kausapin kaya inalis ko na ang lahat ng hiya sa katawan ko at muling nagtanong. "Bakit tayo nakulong dito Alexander?"

"I was trying to save Stephen from detention... 'yong gago kasi nahuli nang teacher niya na may cheat paper kaya kukuhain ko sana lahat ng patunay kaso ayon... biglang dumating 'yong guard upang tignan kung may tao pa kaya pinatay ko ang ilaw at tinakpan ko ang bibig mo remember? Nagtago tayo sa ilalim ng desk... I was actually scared for a moment akala ko ay kung ano nang nagawa ko sa'yo. I swear, wala akong ibang ginawa tinakpan ko lang ang bibig mo pero nawalan ka na agad ng malay."

Tumango ako kahit hindi ako nito nakikita. "Si Stephen... tingin ko may crush siya sa akin?" 

Muli kong narinig ang tawa ni Alexander na nagbibigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam kaya muling namula ang dalawang pisngi ko sa sinabi nito.

"Yes... may crush siya sa'yo. He likes you. Ikaw ba? Gusto mo rin siya?" 

'Hindi... kasi ikaw ang crush ko' Pero syempre ay hindi ko iyon sinabi.

"Iba ang crush ko." Ika ko na lang.

"Sino?" Tanong nito.

"Basta."

"Sino nga?" Pangungulit pa nito kaya hindi na lang ako nagsalita.

Ilang minuto na naman sa'ming walang nagsalita nang biglang basagin iyon ni Alexander. "Masaya ka ba Mahalia?"

Ako?

Masaya ba ako?

Umiling ako kahit hindi niya naman nakikita. "Hindi ako masaya... hindi ako magiging masaya." 

Hindi ko makita ang reaksiyon ni Alexander pero alam kong medyo nagulat ito sa seryoso kong  sagot dahil rinig ko ang pagiiba nito ng posisyon na halatang hindi kumportable."Mind telling me why?"

"H-hindi p'wede." Sagot ko na lang.

"Okay." Sagot na lang nito. "Ako ba, hindi mo ako tatanungin kung masaya ako?" 

"Masaya ka ba Alexander?" Tanong ko na.

"Hindi ko rin maintindihan... alam kong swerte ako kumpara sa ibang tao... lahat ng gusto ko ay na'sa harapan ko lang at hindi ko na kailangang magtrabaho pa. You get what I mean? Pero ang gulo kasi... magulo iyong pamilya ko. Gusto kong tumakbo... gusto kong lumayo sa kanilang lahat pero paano? Saan ako makakatakbo sa mundo kung sila mismo ang nagpapatakbo ng mundo?" 

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now