Kabanata 20

10.2K 296 65
                                    


Sa unang beses ay hindi ako gumising mula sa parehas kong mga panaginip na iniwanan daw ako ng lahat ng pamilya ko...iyong panaginip na lahat sila ay naglalaho pero ako ay palaging naiiwang mag-isa. 

Tulad ng dati ay hindi rin naman ako nakatulog ng maayos...paano ba naman kasi ay puro imahinasyon lang ang gumagana sa isip ko, ako at si Alexander na magkasama...kaming dalawang naghahalikan at kung ano-ano pa.

Malala na nga talaga ako.

Iyong tulog ko ay parang hindi naman ako tulog kasi tila gising ang buong diwa ko at alam ko ang nangyayari sa paligid ko ngunit nakapikit lang ako buong oras.

Ganoon ang tulog ko ngayong gabi.

Hindi ko alam... hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit ang alam ko lang ay dahilan no'n ngayong umaga ay si Alexander.

Si Alexander... iyong boses niya, iyong pagkahawak ng malaki nitong kamay sa aking maliit na kamay at ang ngiti niya... iyong ngiti niya na kayang makapagpatunaw ng kahit na sino.

Napatakip ako sa mukha ko ng maramdaman kong tila maiihi ako pero hindi naman, basta ay nanggigil lang ako habang yakap-yakap ko ang unan ko at malaki ang ngiti ko na parang baliw.

Sana ay makita ko ito sa eswkelahan mamaya... sana ay magkausap muli kami ng matagal.

Ilang linggo ko na siya crush pero alam kong mas lumalim pa ang pagtingin ko dito ngayon. 

Mabuti siyang lalaki at alam ko iyon.

Hay Alexander... bakit kasi napakagwapo at bait mo?

"Mahalia?" Tawag ni Nanay Nerie sa labas ng kwarto ko kaya agad-agad ay inayos ko ang sarili ko at mabilis na lumabas nang maliit kong kwarto.

"Nay?" Tanong ko dito.

Nakangiti ako nitong tinignan ngunit ibinalik rin naman niya agad ang paningin niya sa niluluto nitong itlog at hotdog. "Nasabi ko na ba sa'yong nahanapan na kita ng part-time job?"

Umiling ako dito kahit hindi niya ako nakikita. "Hindi pa po... tungkol po saan iyon?"

"Sa school lang, sa Cafeteria hindi ko pa alam 'nak kung bakit sila kumukuha ng bagong mga trabahador sa Cafeteria pero nirekomenda na kita."

Napatikom ako ng bibig dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kung ganoon ay marami akong makakasalamuha na mga ka batch-mate ko at kapag ako ay napahiya malalaman iyon ng lahat.

"Okay lang ba sa'yo? Sinabi ko namang nag-aaral ka doon kaya tuwing free time mo lang ang oras ng trabaho." 

Bahala na.

"Opo 'nay okay lang." Pagsang-ayon ko dito.

"Aba, sige ite-text ko iyong head chef namin at sa pagkakaalam ko ay kailangan niya na agad ang tulong para makapagsimula ka na mamaya." 

"Sige po." Ika ko at lumapit sa likod nito.

"Gutom ka na?" Tanong nito kaya nakangiti akong tumango dahil hindi naman ako nag-hapunan kagabi dahil kay Alexander...paano ba naman kasi sa titig niya pa lang ay nabusog na ako.




*****




Nang matapos ang pangatlong klase ko ay may isang oras akong break kaya naman ay nagmamadali akong mabilis na tumungo sa may Cafeteria upang salubungin doon si Nanay Nerie na nag-aabang sa'kin sa labas.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now