Kabanata 23

8.2K 296 63
                                    


Napatawa bigla si Alexander sa tanong ko kaya napasimangot naman ako dito, nahinto lang siya sa pagtawa niya ng makita ang biglang pagkalungkot ko ngunit kahit huminto na siya sa katatawa ay halatang pinipigil lang nito. "You like him? Seriously Mahalia?"

Napakunot ako ng noo. "Hindi ako panatiko nagtatanong lang." Nakasimangot pa ring ika ko.

'E ano kung si Justin Bieber ang unang pumasok sa isip ko? 'E wala naman akong masyadong kilala na mga kumakanta dahil wala naman sa'ming kuryente at 'yong ibang pinsan ko sa bayan ay patunog ng patunog ng Justin Bieber na kanta?

"Sorry for laughting." Nakangiting ika na nito at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "How can you be so cute and naive?" Nginitian ko na lamang si Alexander dahil hindi ko naman naiintindihan ang sinabi nito, inalis ko na lang ang hawak niya sa pisngi ko dahil nagsisimula na akong mamula sa hiya.

"Kung hindi si Justin Bieber...sino ang kakanta?" Tanong ko pa.

Nagkibit balikat ito. "Dunno... bands? Yeah... I think Filipino bands." Tumango na lamang ako kahit wala naman akong kilalang bands.

Bobo lang talaga siguro ako.

Hinila ko na si Alexander palayo sa stage dahil sabi nito kanina ay pumunta lang daw ako kahit saan ko gusto, habang naglalakad papunta sa nakita ko kaninang mga booth kung tawagin ni Alexander ay muli na naman akong nagtanong. "Manonood ba tayo mamaya ng concert?"

"Depends...gusto mo ba?" Mabilis akong tumango at ngumiti sa tanong nito.

Syempre, sino bang hindi? Sa telebisyon ko lang nakikita ang mga ganoon dati.

Napakagat ako sandali sa ibabang labi ko nang makakita ng isang magkasintahan na kumakain ng isang ice cream, sa una ko ngang tingin ay akala ko bulaklak iyon dahil sa hugis ngunit nang maglakad pa kami at makita iyon ng malapitan ay doon ko lang nakumpirma na ice cream nga iyon.

Mukha namang nakita ni Alexander ang pagkatakam ko nang bigla itong magsalita. "You want one?" 

Masaya akong tumango kaya si Alexander na ang nangunguna ngayon sa paglalakad papunta siguro doon sa bilihan, hindi nga ako nagkakamali makalipas ang ilang minuto ay may isang makulay na tindahan ng mga ice cream kaming napasukan.

"Paano mo nalaman kung saan nila nabili?" Tanong ko dito.

"Nakabisado ko na...kanina pa tayo ikot ng ikot Mahalia." Mahina itong tumawa na muling nakapagpadama sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"One cone of Ice Cream please." Ika ni Alexander sa maliit na babaeng mukhang nagtitinda no'n.

"Isa lang?" Napatingin si Alexander sa mata ko.

"Sorry... akala ko isa lang gusto mo." Paumanhin nito. "Give us four more please." Ika pa nito sa tindera na nakapagpalaki sa dalawang mata ko.

"Ibig kong sabihin ayaw mo ba? Sapat na sa'kin ang isa!" Napakagat ako ng ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang abaeng nagtitinda na nilalagyan na ngayon ang pangalawang cone ng Ice Cream.

"Oh." Tila ngayon lang napagtanto ni Alexander ang ibig kong sabihin. "It's fine... let's just give those extra Ice Cream to kids?" Nakangiting suhestiyon nito.

Ibinalik ko ang ngiti niya. "Sige."

"How many can you hold?" Tanong pa nito nang ibigay na ni ate ang unang dalawang cone.

"Dalawa?" 

Tumango si Alexander sa sagot ko. "Okay, I'll hold the other three." 

Nginitian ko na lang si Alexander sa sinabi nito at tahimik naming hinintay pa ang tatlong Ice Cream na mabilis rin namang binigay ng babaeng tindera matapos nitong magawa iyon.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon