Kabanata 5

14K 437 77
                                    


Isang buwan na ang nakakalipas.

Isang buwan na pero iyong sakit at pagkalungkot ko ay hindi man lang nababawasan sa araw-araw na gumigising ako. Para na akong isang robot, nabubuhay pero walang paki sa mundo. 

Ano pa ba kasi punto ng buhay ko? Wala naman 'diba?

"Mahalia?" Tawag ni ate Carla mula sa labas ng kwarto na ibinigay nila sa akin kaya lumabas na ako habang sinusuklay pa rin ang mahaba ko nang buhok.

Hindi ako makapaniwala na may mga tao pa palang katulad ni Ate Carla at Mama Nerie. Inaalagaan nila ako dito.

Wala akong masabi sa kabaitan nila.

"Ate?" Pagtatakang tanong ko. "G-gusto niyo po ng makakain?" 

"Gaga!" Pilit na napangiti ako dito. "Hindi kita paglulutuin! Aayain sana kita sa Parlor? Kahit isang beses kasi hindi ka pa lumaLAbas dito, ano bang gusto mo sa Apartment namin? Hindi naman maganda o mabango ang amoy?" Umiling agad ako sa sinabi nito.

"Huy." Sabay hawak ni ate Carla sa balikat ko kaya mabilis kong ibinaba ang mata ko. "May trauma ka ba?" 

Ibinalik ko na ang paningin ko kay Ate Carla.

Tama... ganyan nga Mahalia... tumingin ka sa kanila tuwing kinakausap ka nila... lakasan mo ang loob mo upang malaman nilang kaya mo, upang hindi nila isipin na may maling nangyari sa'yo.

"Obviously. Pinagmamasdan ka namin ni nanay! Iniiisip nga namin na ipabisita ka namin sa isang Psychiatrists 'e! Kaso dukha lang kami... alam mo Mahalia 'yong sagot sa'yo? Go out! Labas-labas din! Ganda mo pa naman! Flirt with boys ganon!" Nagbigay na lang ako ng nahihiyang tawa sa sinabi nito.

Ano ang Psychiatrists?

Ano ang ibig sabihin ng f-flirt?

"P-patawaD ate Carla kung p-pabigat ako---"

"Hindi iyon ang sinasabi ko Mahalia! Eto naman! Ano, sama ka sa'kin sa parlor? 'Yong mga kasamahan ko tignan mo biglang magiging lalaki kapag nakita ka!" Mabilis akong umiling sa sinabi nito, kasabay noon ang paglakas ng tibok ng puso ko.

Labas?

Ako lalabas?

May mga tao?

Hindi ko kaya... hindi ko kaya.

Paano kung nandoon ang mga masasamang lalaki? Paano iyon?

"Sige na nga! 'To naman kasi! Kala mo talaga, basta kapag kailangan mo ako tawagan mo lang ako huh?" 

"T-tawagan p-po?" Ibinaba ko na ang ulo ko dahil hindi ko na talaga kayang magtapang-tapangan... hindi ako makatingin kay ate Carala... hindi ko alam kung bakit.

"Nakakalimutan ko lagi! Ano ba 'yan! Wala ka pa nga palang cellphone ano? Sa susunod kong sweldo bibilhan na kita, girl, importante 'yon dito sa Manila! Okay lang naman sa'yo iyong keypad 'diba? Iyong tig 700 pesos lang, okay na?" Mabilis akong tumango at ngitian siya kahit hindi ko alam ang pinagsasabi niya.

"Una na ako... pabalik na rin si nanay maya-maya wait ka lang." 

"Sige po." Sinabayan ko ito sa paglalakad papunta sa may pintuan ngunit nang na'sa labas na siya ay hindi ko na sinundan, kinawayan ko lamang ito nang medyo malayo na siya na ibinalik rin naman niya.

Nang hindi ko na makita si ate Carla ay sinarado ko na ang pintuan ng Apartment. 

Hindi ko alam ang gagawin.

That Probinsiyana GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin